Sofia: Saturday ngayon at maaga akong gumising dahil may lakad kami ni Nikko. Kakain kasi kami sa labas at pupunta kami sa bahay niya sa alabang. Matagal nadin ako di nakakadalaw sa bahay niya. Kasama niya ang kanyang pinsang lalaki na si Raven dahil may business eto sa alabang. Siya kasi ang may ari ng isang sikat na restaurant doon. "Ring! Ring!" May tumatawag. At tama ang hula ko na si Nikko ang tumatawag at sinagot ko naman to. "Hi mahal good morning. Ang ganda ganda mo talaga. I love you." Agad na bungad niya. Napatawa naman ako dahil sa kilig. "Hay nako Mr. Alferez hindi ka lang pala magaling sa mga numbers kundi magaling kadin pala sa pangbobola." Reaksyon ko sa sinabi niya habang napapangiti ako. "Totoo namang gandang ganda ako sayo e. At ang sarap mo pa." Sabi niya. Ang b