bc

Apricity

book_age16+
106
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
confident
inspirational
comedy
sweet
bxg
humorous
lighthearted
basketball
friendship
like
intro-logo
Blurb

Einav Jynette R. Leyva is the sweetest soul in Calle Nueva. A people's person. A good mixer. A social butterfly that can easily form meaningful connection with anyone. Madali niyang nakukuha ang loob ng sinuman dahil sa mga likas na katangiang taglay niya. Compassionate, Warm, and Humane. She's everyone's favorite person. Every guy's dream girl. Every parent's ideal daughter-in-law. She's too caring. Too thoughtful. Too expressive.

Pero ika nga sa kasabihan... ang anumang sobra ay masama.

chap-preview
Free preview
Prelude
Calle Nueva "We humbly ask you Lord for us to have a safe return back home to our families. May you be our guide and our protector on the journey we are about to take," Tahimik sa loob ng sasakyan— tanging boses lamang ni Astraea ang maririnig. Mariin ang pagkakapikit ng mata ko habang nakayuko at nakadaop ang parehong palad sa ibabaw ng hita. "Watch over us. Protect us from accidents. Keep us free from harm to body and soul." Bahagyang pumiyok ang tinig ni Rae at dinig ko ang munting pagpigil ng tawa mula sa harap. Inangat ko ang ulo habang nakadilat ang isang mata. I saw Calcifer trying his best not to laugh. Siniko siya ni Adea at sinundan iyon ng tahimik na saway mula sa gilid ko. Sinilip ko ang katabi at naabutan ang seryosong tingin ni Elcid sa kanila bago muling binalik ang atensyon sa pagdadasal. "Please bless the journey which we undertake, that we may reach its end; and that, returning safe and sound, we may find all at home in good health. Through Jesus Christ, our Lord.. Amen," We ended the prayer with the sign of the cross. Nang dumako sa harap ang tingin ko ay tinatapik na ni Cal si Astraea. "Good job, Rae-rae." he said while ruffling her hair. Inuuto na naman ang bata matapos niyang ipasa rito ang trabahong para dapat sa kaniya. We told him to lead the prayer earlier but he convinced Rae to do it instead. "Sus, tinawanan mo nga kanina eh." Adea snapped at him. Sa gitna nilang dalawa ni Rae nakapwesto si Calcifer. "Napigilan ko naman ah?" Cal chuckled. "Saka hindi naman yung prayer ang tinawanan ko." Sinimulan na ni Aysen ang makina ng sasakyan at hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang pag-andar nito. Pinilig ni Adea ang ulo. "Elcid's gonna kill you. Nagdadasal na't lahat, puro ka pa rin kalokohan." "Hmm? You can't have Elcid and Kill in one sentence, Dea. The holiest saint of all would never.." Umirap si Adea.  "Yeah right. He can't even mutter a curse." Binalik ko ang pagkakasandal ng ulo sa backrest habang napapangiti.  "Sleep?" Inabot ni Elcid ang unan sa kabilang bahagi ng pwesto ko upang ayusin ang pagkakalapat noon. "Yeah," I answered. Nilingon ko siya at naabutan ang paglipat ng mata niya mula sa ginagawa patungo sa akin. Nang makuntento sya roon ay umayos na muli ng upo at binawi ang kamay mula sa kabilang gilid ko. "We'll be home around seven," sinilip nya ang relo. "I'll just wake you up by then.."  Tumagal ang tingin niya sakin bago pasimpleng tinapik ang kaniyang balikat. Bumagsak doon ang mata ko bago ibinalik sa kaniya. I saw his adam's apple moved before he looked away. "Siargao was unexpectedly nice," I heard Adea say in front. "I thought it was just overrated and all that." Bumaling ako sa kaniya at agad na sumang-ayon. "Next time let's try Dakak!" suhestyon ko. Calcifer's forehead knotted. "The c**k?" Nanlaki ang mata ko. Humagalpak si Davion mula sa front seat. I thought he was too preoccupied on his phone to even pay attention but he was actually listening. "Gago! Dakak daw!" Cal covered Rae's ears. "Shh! Wag ka magmura! Nilalason mo utak ng bata." madramang wika nya. "Parantanga amputa," ismid ni Davion  I can't believe I even saw Aysen suppressing a smile while driving. "Kaya ayaw nang ipasama ni Tita Liv si Rae satin eh, kung anu-anong natutunan sa inyo." he said. "Stop babying Astraea. Hindi na siya bata," Adea collectedly said. Ngumiti lamang nang tipid ang mahinhing si Rae. Halos tuluyan nang mawala ang antok ko dahil napuno ng kantyawan ang byahe. Cal just literally won't shut up. He keeps on goofing around the whole ride. Davion's sly remarks every once in a while just added fuel to the fire. "Then I told her... Mahalin mo lang ako ng 31%, ako nang bahala sa 69." hagalpak ni Cal. Davion deadass countered, "Benta na sana kaso hindi." Ang ingay sa loob ng kotse lalo pa't mabilis akong matawa. I literally laugh on everything. Adea isn't very fond of too much noise kaya't iritado siya hanggang sa pagdating namin sa Calle Nueva. But I know she loves us as we are. She's just cold as usual. Pababa na kami sa sasakyan nang bumagsak ang tingin ko sa suot. "Dav, jacket mo nga pala!" wika ko saka akmang huhubarin iyon matapos maalalang pinahiram nya. "Sayo muna," aniya. Tumango ako at agad namang nakuha ang sinabi niya. Cal stretched his body after he closed the door. "We still got a long time before the A.Y. starts.." he said. "Let's go for another one? Next week?" Humalakhak siya saka bumaling kay Adea na naga-unload ng mga gamit sa likod ng sasakyan. "You wanna try Dakak, Dea?" "Shut up. This is my last hook," singhap niya. "Training starts soon so..." "Really? That means you'll be locked up in the univ again. Good luck on that," Davion snickered. Adea and her team practically live in the University dorm whenever their volleyball training starts. Mahigpit ang drilling system nila. As far as I know, they are required to wake up at a certain time in the morning, gather completely before the hustle starts, and perform tons of daily routines as if they are in military. Our school is well-known for having the best coaching staff for women's volleyball though... so I guess it's worth it. "Thank you," matamis ang ngiti ko kay Elcid matapos niyang iabot ang maliit na backpack ko sa akin. Iyon lamang ang binigay niya habang ang bukod kong duffel bag ay siya na mismo ang nagbitbit. Madilim na ngunit maliwanag ang pagkislap ng mga bituin sa langit. The serene air of Calle Nueva was matched with the aesthetic beam coming from the light posts. Binubuhay rin ng mga tala ang paligid. Cal yawned. "Hatid ko na si Rae para good shot tayo kay Tita Liv," "No. Sina Einj na lang. Favorite siya ni Tita." Adea said. Cal grimaced in disapproval. Aniya'y siya raw ang tunay na paborito ni Tita Liv. Hinahayaan nga raw siyang makitulog sa mansyon nila madalas. Aysen eventually got off from the car too. Dala niya ang ilang naiwang gamit sa loob. Inabot niya ang pink na neck pillow kay Rae and the latter received it with her free hand. The former's eyes dropped to the drinks on Rae's right hand. "Watch your milk tea intake, Rae. I think you've had enough for the week." Astraea nodded and agreed like an obedient child that she already is. Lactose intolerant siya kaya't matindi ang pag-iingat namin sa kaniya mula sa any food na may milk.  "Let's go?" Elcid eyed me carefully and we both turned to Rae para ayain na rin ito. Calcifer yelled his goodnight to everyone like a drunkard as we all part ways. Tita Liv was on her silk night robe nang salubungin niya kami sa living room nila. "We got souvenirs for you, Tita!" I cheekily said. I don't get why they find her intimidating. Siguro ay dahil sa tila mataray niyang aura. But overall, I really enjoy having chit-chats with her. She's always brutally honest and classy. Hindi na rin naman kami nagtagal pa kina Rae at kalaunan ay naglakad na patungo sa bahay na katabi lang noon. "Masakit pa rin ba ang ulo mo?" My head turned to Elcid who was walking beside me. Ngumiti ako bago umiling. "Medyo nahihilo na lang." No matter how often we do getaways, I still get dizzy in every trip. It's gotten a little better through the years, though. Nung bata ako ay nasusuka pa ko habang nasa byahe ngunit ngayon ay hindi na. Tumango siya. "You still have a pill?" I shook my head. "I took the last one before the flight," Natigilan siya. "You should have another one before you go to sleep so you'd feel better." Tinanggihan ko iyon at sinabing ipapahinga ko na lamang ito ngunit giniit niyang mapapabuti noon ang pakiramdam ko. Nagpresinta siyang bumili noon para sakin. Sa huli ay nagdesisyon akong samahan na lang siya pag naibaba na namin ang mga gamit. Sa labas pa lang ng bahay ay tanaw na ang kapatid kong si Achelous na tahimik na naka-abang. His hands are inside the pockets of his pambahay shorts. "Aki?" wika ko sa gitna ng dilim. Ako ang bumati ngunit ang katabi ko ang tinanguan niya. Snob ass. "You should've come with us," ani ni Elcid. "Next time," he simply said before taking my things. Damn their voices are both so cold. I'm getting chills. Aki is few years younger than us but his physique is almost as built as Elcid's. I grinned and pinched his cheek as I muttered my thanks. Iritado niyang iniwas ang mukha at bahagya pang umirap. It only made me giggle even more. Dumaan na rin kami kina Elcid upang maibaba ang gamit niya. Walking distance lamang ang drugstore mula sa subdivision kaya't nilakad na lang namin ito. I always find late night walks very calming. It gives me a different kind of peace. "Should we get some kinder joy for Aria?" tanong ko nang nasa pila na kami ng cashier. I was referring to her little sister. The thought of her alone was enough to make me smile. His solemn face didn't change. "Wag na.." Ngumuso ako. "I'm sure she'll like it though.." He just stared at me. My pout deepened. "Sige na please? Kahit dalawa lang.." I almost jumped in happiness when I heard him sigh in defeat. Pipihit pa lang sana ako para kumuha noon nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. "Dito ka na lang... Ako na ang kukuha," I nodded with a closed-lip smile. His left brow lifted. "May iba ka pa bang gusto?" I shook my head, still with a closed-lip smile. Nanatili ang titig niya sakin. "Yogurt?" My smile widened yet with no trace of teeth.  Tumango ako nang magiliw. Nang tumalikod na siya para magtungo sa mga rack ay bakas pa rin ang kurba sa labi ko. Hiniwalay ko na sa kaniya ang tingin at pumihit paharap sa linya. Saka ko lang napansing ako na pala ang sunod sa pila.  Nginitian ko ang cashier bago sinabi ang pangalan ng gamot na kailangan ko. Tumango naman ito saka tumalikod para kuhanin ang bibilhin ko. Binalik ko ang tingin kay Elcid.  He's still somewhere around the fridge area. Hindi nagtagal ay nakabalik  na ang kahera dala ang isang banig na tableta. Sinundan niya ang tinitignan ko. "Ma'am, ito lang po ba? Or kasama niyo po 'yun si Sir?" aniya saka nginuso si Elcid. Binawi ko ang titig sa direksyon na iyon at binalik ang mata sa cashier. "Ah, oo. Kaibigan 'ko. May kinukuha lang. Hintayin na lang natin para maisabay na," I smiled. Tumagal ang tingin sakin ng babae. "Magkaibigan lang kayo, Ma'am?" usisa nito. "Mag-kapitbahay din." sagot ko. Napakurap-kurap ito bago dahan-dahang tumango. Muling dumako ang tingin niya sa pwesto ng kasama ko. Gayundin ang mga mata kong lumipad upang tanawin uli ito. My vision easily darted to Elcid who's already walking towards my position. His eyes are glinting with question and concern as he look at me. Marahil ay nagtataka kung bakit kami nakatingin sa kanya. I just smiled and slightly shook my head to ease him while he's making his way back to me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K
bc

Rewrite The Stars

read
98.3K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
69.1K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
250.6K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook