Chapter Two

2321 Words
ASYANNA'S POV. Naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Illyós. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tila batid niya ang binabalak kong gawin. Nginitian ko lang siya at pasimpleng nilagpasan. Nagpapakainosente ako sa paningin ni Illyós para hindi niya ako sitahin. Pero, hindi pa ako nakakalayo nang hablutin ng kabalyero ang braso ko. "Illyós, anong ginagawa mo?" kabado kong tanong at pilit binabawi ang braso. Pero, hindi niya ito binitawan. Batid niyang lalabas na naman ako at tutungo ng Eshner Forest. Nasanay na siya sa pinanggagawa ko. Sabi niya, sakit daw ako sa ulo. "Binabantayan ka, young Ladynne," sagot niya. Inikutan ko siya ng mga mata at bumuntong hininga. Batid kong hindi niya ako papayagang umalis. Lalo pa't siya ang palaging nagbabantay sa akin at batid niya ang mga kalokohan ko. "Alam mo Illyós hindi pagbabantay ang ginagawa mo. Hinuhuli mo ako na parang kriminal. Tingnan mo ang kamay mo," panloloko ko baka sakaling mawala ang pokus niya sa akin at magkaroon ako ng pagkakataong makatakas. Pero, nadismaya ako. Lalong hinigpitan ni Illyós ang pagkakahawak niya sa braso ko. Wala na akong kawala. Malakas si Illyós kaya wala akong laban kahit pumiglas pa ako. Puwera na lang kung gagamitin ko ang kapangyarihang mayroon ako. "Huwag ka nang magtangkang tumakas pa, young Ladynne," sabi niya. "Oo na. Hindi na ako tatakas. Hindi na talaga ako tatakas. Kaya bitiwan mo na ang braso ko pakiusap. Namumula na sa higpit ng pagkakahawak mo," sabi ko at ngumiti nang matamis. Tiningnan niya ako nang mabuti kung nagsasabi ako ng totoo. Nais niyang makasiguro na hindi ako muling tatakas. "Nangangako ako, dali na," inosente kong sabi. Dahan-dahang binitawan ni Illyós ang braso ko kaya napangiti ako nang matamis. Nauto ko na naman ang kabalyero. "Pero, wala akong sinabi na ngayon iyon," ngising sabi ko at dali-daling hinugot ang espada at sinaksak ito sa sahig. Biglang lumiwanag ang sahig at nilamon ako nito. Natakasan ko na naman si Illyós. Tawa ako nang tawa dahil naisahan ko na naman ang kawawang kabalyero. Malamang umuusok na iyon sa galit dahil naloko ko siya. "Hindi na siya nasanay," tawang sabi ko sa sarili. Maya-maya nilamon ng katahimikan ang buong paligid. Parang biglang nawala ang kasiyahan sa mundo namin. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng lugar. Maraming malalaking puno at baging. May naglalakihang mga bato at mga halaman. Mahiwaga pero nakapangingilabot. "Eshner Forest," sambit ko at kinuha ang espada sa likuran ko. Ang Eshner Forest ay isang malawak na kagubatan na binabalutan ng mga mahika at kakaibang enerhiya. Kapag naramdaman ng Eshner ang takot mula sa isang nilalang lalo niya itong pahihirapan at paglalaruan. Hinawakan ko ang espada nang mahigpit at pumosisyon. Batid kong may aatake sa akin ano mang oras. Gaya ng sinabi ni Lorde Ornelius mapanganib ang kagubatan ng Eshner tulad ng Mysta. "Harrr!" ungol sa 'di kalayuan. Isang nilalang ang papalapit sa direksyon ko. Hinanda ko ang sarili at tumalon nang mataas. Nang pababa na ako, sinaksak ko ang talim ng espada sa ulo nito. Bumagsak sa lupa ang isang nilalang na may malaking sungay sa ulo at may apat na paa. Isang Honner. "Harrr!" ungol ng mga Honner. Naramdaman nilang napaslang ang isa sa mga kasamahan nila. Maya-maya nakaramdam ako ng mga yanig sa lupa. Paniguradong susugurin na ako ng mga Honner. Lumuhod ako sa lupa at dinikit dito ang palad ko. Ramdam ko ang paggalaw ng lupa. Masasabi kong marami ang bilang nila. Base na rin sa lakas ng mga yabag sa lupa. "Malapit na sila," seryosong sabi ko. "Harrr!" palakas nang palakas ang mga ungol nito. Tumalon na naman ako nang mataas at sinaksak ang lupa pagkalapag ko. Nagkaroon nang malakas na pagyanig at pagsabog. Halos liparin na rin ang mga Honner na gustong makalapit sa akin. "Ayos 'to," ngising sabi ko at tumalon na naman nang mataas sa ere. Kitang-kita mismo ng mga mata ko kung paano lamunin ng mahika ko ang ibang parte ng Eshner. Pero dahil sa may kapangyarihang bumabalot sa kagubatan unti-unting bumabalik sa dati ang nasirang parte ng gubat. Pagkalapag ko sa lupa agad akong tumakbo dahil tinutugis na naman ako ng mga Honner. "Takbo, Yanna!" sigaw ko sa sarili nang makarinig ng kakaibang ungol. Raptil, mga nilalang na may mahahabang buntot. May kakayahan itong maging invisible. Sa buntot ito kumukuha ng lakas at ito rin ang kahinaan nito. "Ahh!" sigaw ko sabay wasiwas ng espada. Napaungol ito nang maputol ko ang buntot nito. Dalawang uri na ng nilalang ang humahabol sa akin. At, hindi tatagal hahabulin din ako ng iba pang nilalang. Kilala ko ang Eshner Forest masyado itong malaki at makapangyarihan. Maraming mababangis na nilalang ang naninirahan dito. "Hooo!" ungol sa 'di kalayuan. Gigantes, mga nilalang na kilala rin sa tawag na higante. "Ah!" Nadapa ako sa malakas na pagyanig ng lupa. Katulad ng Honner at Raptil tinutugis na rin ako ng Gigantes. "Ginagalit mo talaga ako, Eshner!" sigaw ko at umalingawngaw ito sa buong kagubatan. Lalong lumakas ang mga ungol sa paligid at nadagdagan pa ito. "Sisirain kita!" sigaw ko at pumosisyon. Huminga ako nang malalim at hinawakan nang mahigpit ang espada. "Ahhh!" sigaw ko habang isa-isang pinapatay ang mga mababangis na nilalang. Kahit anong paslang ko tila hindi ito nauubos. Lalo lang itong nadadagdagan. "Ah!" daing ko nang mahampas ako ng matigas na bagay. Tumilapon ako sa malaking ugat ng puno. Sinamaan ko ng tingin ang Honner na malapit sa pwesto ko kanina. Parang nang-aasar pa ito sa akin. Pagbabayaran mo ito! Tumakbo ako papunta rito at tumalon saka pinutol ang sungay nito. Malakas na ungol ang pinakawalan ng Honner dahil sa pinsalang natamo nito sa ulo. Napangisi ako at pinagpatuloy ang pakikipaglaban. "Ah!" daing ko na naman nang hampasin ako sa likuran ng malaking ugat. Tumilapon ako sa isa pang puno. Naramdaman kong gumalaw ito. Ngayon alam ko na kung ano ang umatake sa akin nang patalikod. Marcas, isang puno na may malalaking ugat at baging. Bigla akong nakaramdam ng galit sa ginawa nito. Ayaw kong kinakalaban ako nang patalikod. Pakiramdam ko hindi iyon patas. Iyan ang palatandaan ng isang traydor at may kilala ako na kayang gumawa rin nito. Onaeus Puerre. "Tuturuan kita ng leksyon," asik ko at umatake rito. Medyo mahirap ang pakikipaglaban sa Marcas. Ginagamit talaga nito ang mga ugat at baging nito sa kalaban. Pero, hindi ako nagpatalo. Ilang sandali lang bumagsak sa harapan ko ang Marcas. "Harrr!" ungol na naman ng mga kakaibang nilalang. "Tsk!" ani ko. Tumalon ako nang mataas at pinagsama ang kapangyarihan ko at kapangyarihan ng espada ko. Tinutok ko sa lupa ang talim ng espada at sinaksak ito pagkalapag. Yumanig ang buong kalupaan at sumabog nang malakas. Tumalsik sa malayo ang mga mababangis na nilalang at bumagsak ang ilan sa mga Marcas. Ngumisi ako nang malapad. Maya-maya, nakarinig ako ng palakpak. Napalingon ako sa pinanggalingan nito. Isang lalaki ang nakaupo sa bumagsak na Marcas. Nakasuot siya ng kulay asul na manto at kulay berde na baro. Kulay brown ang hanggang dibdib niyang buhok. May mapupungay siyang mga mata at maganda ang hugis ng mga labi. Matangos rin ang ilong niya na lalong nagpadagdag sa maganda niyang mukha. May tattoo siya sa leeg na simbolo ng pinanggalingan niya. Water emblem. Isang Aqua. "Sino ka?!" matapang na tanong ko. Tumawa siya nang malakas kaya nainis ako. "Nakakatawa at hindi mo batid kung sino ako. Kai Mellows of Nuclos, binibini," sabi nito. Mellows?" "Ng Oceanus Castle?" paniniguro ko. "Siyang tunay, binibini," nakangiting sagot niya. "Sigurado kang isa kang Mellows?" tanong ko. Tumawa ulit ang binata, "Bakit? Sa tingin mo ano ako? Isang rebelde?" "Tsk!" reaksyon ko na lang at tumalikod na. Wala akong panahon sa mga tulad niya. "Sandali! Hindi ko pa alam ang pangalan mo binibini!" pahabol niyang sabi. "Hindi na kailangan," walang emosyong sabi ko. "Pero sa akin kailangan!" sabi niya kaya natigilan ako. Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa tiyan sa sinabi ng binata. Wala namang kakaiba sa binitawan niyang salita. Pero bakit iba ang epekto nito sa akin? "Nilalang na walang kuwenta," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Iyan pa lang ang pangalan na kakaiba na narinig ko!!" sigaw ni Kai. Napangisi na lang ako. Hindi naman talaga dapat malaman ng binata ang pangalan ko dahil hindi pa ako pormal na ipinapakilala ng mga Puerre. At mangyayari lang iyon pagdating namin ng Karr. "Binibini!" Natigilan ako sa kaluskos na narinig ko. "Sabihin mo na kasi ang pangalan mo," pangungulit niya. "Shhh," puna ko. "Bakit anong nakita mo?" tanong ng binata. "Tahimik," banta ko sa binata kaya napaatras siya. Tumingin-tingin ako sa paligid at pinakiramdaman ito. Parang may mali. Nararamdaman kong hindi lang kami ang nilalang na naroon. "Ano ba kasi iyon?" tanong niya ulit. "Sabi ko, tahimik!" inis kong sabi. Kasabay ding bumulusok sa amin ang sirang Marcas. Agad ko itong naisangga gamit ang espada ko. "Saan iyon nanggaling?" reaksyon ni Kai. "Lumaban ka na lang," sabi ko na lang at hiniwa ang Marcas na papunta sa direksyon ko. "Mag-iingat ka binibini," sabi niya at nagpalabas ng espada na gawa sa tubig. "Alam ko. Hindi mo na ako kailangang paalalahanan pa," seryoso kong sabi at nagpatuloy sa pakikipaglaban. Palaisipan sa akin ang nangyayaring kababalaghan sa amin. Imposibleng kinakalaban kami ng Marcas, lalo na ng Eshner Forest, masyado ko itong napuruhan. Nasa estado pa lang ito ng pagpapagaling. "Ah!" daing ko nang tumalsik ako sa lupa. Sinamaan ko ng tingin ang nilalang na umatake sa akin. "Patawad, natamaan ka. Sinubukan ko lang—" Hindi ko na pinatapos pa ang binata sa pagpapaliwanag at binato rito ang espada ko. Agad namang gumawa ng harang ang binata. "Paumanhin, binibini," senserong sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Ikaw na ang bahala sa mga Marcas may hahanapin lang ako," sabi ko nang hindi pinapansin ang paghingi niya ng tawad. Kinuha ko ang espada ko at tumalikod na. "Teka, saan ka pupunta?!" pahabol niyang tanong pero hindi ko na siya nasagot pa dahil tumalon na ako sa ere. Napangisi ako sa nakita. Tama nga ang hinala ko nagtatago ang mga umaatake sa amin. Tinutok ko sa lupa ang espada at mabilis na bumulusok pababa. "Kai! Xjield!" sigaw ko. Nagtataka man ay sinunod na lang ng binata ang inutos ko. Pagkatapos ni Kai gumawa ng xjield ay iyon naman ang paglapag ko sa lupa. Sinaksak ko ang espada sa lupa at kagaya ng kanina ay yumanig ang buong kalupaan at sumabog nang malakas. Sa pangalawang pagkakataon ay nasira ko na naman ang malaking parte ng Eshner. "Ang galing mo!" puri ni Kai at umakbay sa akin. Tinanggal ko naman ang kamay nito at binalibag. "Aray!" daing niya sa sakit. "Alis," sabi ko. "Bakit mo ako pinapaalis? Sa'yo ba itong Eshner na ito?" tanong ni Kai. "Tsk!" reaksyon ko at tumalikod na. "Sandali lang! Anong—" Nagtaka ako kung bakit hindi niya tinuloy ang sinasabi niya. Kaya, napalingon ako sa direksyon niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Akmang hahawakan ko na sana ang espada ko nang makulong din ako ng isang trap xjield. Sinubukan kong makawala rito pero hindi ko magawa. Isang Chaffere ang nagkulong sa akin, isang malakas na trap xjield. Mga malalakas lang ding nilalang ang kaya nitong sumira. Mga may dugong bughaw. Ngayon sigurado na ako sa hinala ko kanina. Mga rebelde ang nakasagupaan namin. "Masyado ka yatang naaliw?" salita ng isa sa mga ito. Base sa kasuotan nito isa itong Magium, rebelde nga lang. "Sino sa inyo ang nagmamay-ari ng mahika na iyon? Ikaw ba?" tanong niya sa akin at sinuri ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Oh, isang Magium. Makapangyarihan ang iyong espada. Maari ko bang mahiram?" ngising sabi niya. "Sa hiraya mo," asik ko kaya humalakhak ito nang malakas. "Hmm, parang nakikilala ko ang kasuotan mo. Isa kang Ladynne sa lupain ninyo. Ano kayang gagawin nila kapag pinadala ko sa Gránn ang ulo mo?" ngising sabi niya. "Tsk! Walang silbi ang pagpugot mo sa ulo ko," walang emosyong sabi ko. "At, bakit?" tawang tanong niya. "Dahil hindi naman ako mahalaga," sagot ko. Tumaas ang isa niyang kilay. Palaisipan siguro sa kaniya kung bakit ko iyon nasabi. "Talaga ba?" ngising sabi niya. "Paslangin mo na ako o pagsisisihan mo na hindi mo ako pinugutan ng ulo," matapang na sabi ko. "Tumahimik ka, binibini! Mapapahamak tayo!" suway sa akin ni Kai. "Napahamak na tayo!" inis kong sagot. Tumawa lang nang malakas ang rebelde maging ang mga kasamahan niya ay nakisabay na rin. "Sa tingin mo nagpapatawa ako? Pagsisisihan mo talaga na hindi mo ako pinaslang," sabi ko kaya lalong lumakas ang tawanan nila. Kinuyom ko ang dalawa kong kamay at kusa na lang lumabas ang kakaibang enerhiya sa mga kamao ko. Nakaramdam din ako ng kakaibang enerhiya sa katawan. "Anong ginagawa mo? Dapat nanghihina ka na ngayon! Iyan ang pinakamalakas na xjield! Hinihigop nito ang lakas na mayron ka! Hindi mo iyan masisira!" 'di makapaniwalang sabi niya. "Paumanhin. Pero sa tingin ko, masisira ko ito," sabi ko at dinikit ang mga kamay sa trap xjield. Unti-unting nalusaw ang trap xjield na ginawa niya kaya lalong lumakas ang mahika ko. "Sino ka ba talaga? Isa ka ba talagang Magium?" kinakabahan niyang sabi. "Sabi mo Magium ako, hindi ba? Bakit binabawi mo na ngayon?" ngising sabi ko. "Nakikilala ko siya! Siya ang bastardang anak ni Lorde Ornelius! Siya ang bastarda!" biglang salita ng kasama niya. Nabigla ako sa sinabi nito. Paano niya nalaman na ako ang bastarda? "Ikaw si Asyanna," biglang sabi ni Kai. Batid ng lahat na may balita-balitang may bastardang anak si Lorde Ornelius. Pero, hindi iyon napatunayan lalo pa't matagal akong itinago sa loob ng kastilyo. "Hindi ako iyon!" mariing sabi ko at sinaksak ang espada sa lupa. Bumagsak silang lahat sa lakas ng enerhiya ng espada. Agad akong lumitaw sa kinaroroonan ni Kai at kinuha siya. Pagkatapos ay lumitaw na lang kami sa isang batis. "Nandito na nga tayo! Maligayang pagdating sa Nuclos!" masayang sabi ni Kai at natanaw namin sa 'di kalayuan ang malatubig na kastilyo. Oceanus Castle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD