MULING naglakad sila Seven kasama ang mga tauhan nito habang buhat-buhat ang dalaga. At hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa kung nasaan naka-park ang sasakyan ng mga tauhan nito. “Dito po tayo, Sir,” magalang naman na saad ng isa sa kanyang mga tauhan at mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan. “Tulungan ko na pa kayong ipasok si Ma’am Sir. Mukhang pagod na po kayo,” sabat naman ng isa sa kanyang mga tauhan din. “No! I don’t need your help. I can do this! Umalis ka riyan! At doon na kayo umupo sa ibang sasakyan. Huwag rito,” tanggi at utos ni Seven na ayaw magpatulong kahit pa pinagpapawisan at pagod na ‘to sa kabubuhat sa babae. Nagkatinginan naman ang mga tauhan ng binata. Dahil ngayon lamang naging gano’n ang binata at kakaiba rin ang kinikilos nito. “Huwag kayong magting