LALONG tinagalan ni Luna ang pagligo sa banyo. Gano'n din ang magbihis ng damit dahil talagang ayaw nitong sumama sa binata. Hanggang sa makarinig siya ng katok sa pinto. Kung kaya wala siyang nagawa kung hindi ang buksan 'yon at harapin ang binata. "Ma'am, pinapatawag na po kayo ni Sir Seven sa baba. Puntahan niyo na po at ayaw niyang pinaghihintay siya," bungad na saad ng kasambahay. Walang nagawa si Luna kung hindi ang sumunod at tinungo ang binata. "Ano'ng oras na! Napakatagal mong magligo at magbihis ng damit. Alam mo bang ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako!" Kunot-noong saad nito. "Kasalanan ko ba kung nature na naming mga babae ang dalawang oras maligo at pumili ng damit na maisusuot," anas naman ni Luna. "Ikaw, babae! Bawas-bawasan mo 'yang pagiging matapang mo. At baka hind