Patakbong nilapitan ni Four ang dalaga. Ngunit nang malapit na 'to ay agad na nagkasa ng baril si Sandro. Upang barilin ang palapit na si Four. Ngunit nang itututok na nito ang dulo ng baril ay agad na humarap si Luna sa kanya at galit nitong tiningnan si Sandro. "Subukang mong iputok 'yan. At barilin siya. Hindi ako mangingiming agawin 'yang baril at iputok sa bungo mo!" banta ni Luna na may kasamang galit. "Pasensya ka na, akala ko kasi kalaban siya at hindi mo kilala." Agad naman na paumanhin ni Sandro at ibinaba nito ang baril na kanyang hawak. "Hold your fire!" Sigaw pa nito sa kanyang mga tauhan. "Luna, ayos ka lang ba? Ano'ng nangyari sa 'yo? Saan ka galing? Akala ko ay napaano ka na," mga sunod-sunod na tanong ni Four at kita sa itsura at tuno ng pananalita nito ang pag-aalal