Pakiusap “Mommy?” “Uy mommy!” Tinigilan ko ang pagsusuklay sa buhok ni Jade at binalingan siya. “Ano ‘yon, sweetheart?” Ngumuso siya. “Hindi ka naman nakikinig eh.” Napabuntonghininga ako at nagpapasensyang nginitian siya at lumuhod sa harap niya. “I’m sorry, may iniisip lang si mommy. Ano ngang sinasabi mo?” “I’m asking you if you missed your job before.” “My job?” Ang pag-arte? Hindi ka si Freya. Ang tinutukoy niya ay ang trabaho ni Stella. Ang maging isang modelo. Ngumiti ako at tinanguan siya. “Oo naman. I was happy with my job before. Ang makita ang lahat na pinapanood ako. It’s the best feeling ever. Bakit mo naitanong?” sagot ko hindi nag-aalalang maisip niya na ibang trabaho ang tinutukoy ko. After all, parehas naman kami ni Stella. Pinapanood nang marami sa tuwing