Other side of him From riding Alonzo’s sportscar, huminto kami sa highway at nakipagpalit kay Sigmund na naka-prado, which is also a luxury car based on what I know, ngunit hindi takaw-atensyon gaya ng gamit niya kanina. At mukhang naintindihan ko ang desisyon ni Alonzo kung bakit kinailangan niyang magpalit ng sasakyan nang huminto kami sa isang eatery na may ihaw-ihaw sa labas. Madaling araw na ngunit puno pa rin ang kainan na pinuntahan naming dalawa. “What? Hindi ka ba kumakain sa ganyan?” tanong niya sa akin nang manatili lang akong nakasilip sa labas at hindi kumikilos gaya niya. “Hindi ba ako ang dapat magtanong sa ‘yo niyan?” balik-tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya at bumaba na. Sumunod na rin ako at tila nakaramdam na nga rin ako ng gutom nang maamoy ko ang aroma ng m