Family “WHY are you not wearing your PJ’s Mommy and Daddy same as Jayden,” ungot ni Jade nang makapasok kami ng theater room. Nagkatinginan kaming tatlo nila Alonzo. “I forgot, I’ll change mine very quick, sweetheart,” saad ko at pinisil ang pisngi niya. Pumamewang siya at binalingan ang mag-ama. “Kayo Jayden at Daddy? Ayaw n’yo talaga?” mula sa pagsimangot kanina ay lumungkot ang mga mata niya. Who would say no with those puppy eyes? “Ah yeah we forgot, magpapalit na din kami. Right, Jayden?” Jayden sighed. “Right.” Magkakasabay kaming lumabas ng theater room at naiwan si nanay Glo na naiiling na ngumiti kasama si Jade na nasulyapan ko pa ang malawak na ngiti sa labi. Nang matapos kong ipatong ang onesie unicorn na binili namin ay lumabas na ako ng kwarto at napatawa nang maabut