Exclusively yours Simply because he needs you… Nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko habang lumalangoy. Iyong sa bar. Iyong kotse na naghatid sa akin. The box that contains pictures and videos of Tim’s infidelity. All of it, kagagawan ni Alonzo. Ganoon siya kadesperadong mapapayag ako sa gusto niya. Ang magpanggap na ina ng mga anak niya. What if…he’s also part of Tim’s death? Paano kung plinano niya ang lahat ng ‘to para magkaroon siya ng dahilan na mapapayag ako sa inaalok niya. Tumigil ako sa paglangoy at nagpalutang sa pool. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinalis ang kung anumang masama kong iniisip tungkol kay Alonzo. He’s not that bad. What am I thinking? Napangiwi ako nang makaramdam ng paninigas sa binti ko. Lumubog ako sa tubig at napahawak sa binti kong m