Tomb “Nasaan tayo?” tanong ko kay Alonzo nang magising akong nakahinto na ang kotseng sinasakyan namin. Pero nang sumilip ako sa labas ay wala pa naman kami sa Wellington. Nang sulyapan ko ang oras ay magaalas-kwatro na nang umaga ngunit madilim-dilim pa rin sa labas. Imbes na sagutin ako ay bumaba siya ng kotse kaya naman bumaba na rin ako at sinundan siya. Napahinto ako sa paghakbang nang makita ang mga krus na nakatarak sa ilalim ng mga punong nakikita ko. Nakita ko rin ang mga Sementeryo? “I don’t want to call this a reward of yours,” aniya nang huminto sa isang malaking puno na naroroon. “A-ano ‘yan?” pagturo ko sa maliit na lapida na nakita ko sa ilalim no’n. May katabing angel na figurine doon na nasa hanggang tuhod ko ang taas. Walang pangalan na nakalagay roon maliban s