Father’s Love Nang makalabas sa elevator patungo sa ICU ay may isang bagay akong napagtanto. Ito ang kasalukuyang kinaroroonan ng ina ko. Will I see my father again? Ipinilig ko ang ulo sa isiping iyon at inalala ang dahilan ng pagpunta namin dito ni Alonzo. Napatingin ako sa kamay kong halos mamuti na dahil sa higpit ng pagkakapit niya ngunit hindi ako nagreklamo at hinayaan lang siya. I can feel the tension coming from him, and aside from that, there is the desperation to save his daughter. May sumalubong sa aming doktor sa labas ng ICU. May mga sinabi siya ngunit ni hindi ko maunawaan ang mga ‘yon dahil nagpapalinga-linga ako sa paligid. Hanggang sa bumukas ang sliding door at may lumabas na lalaki at babaeng umiiyak. “Hindi pwedeng mawala sa atin si Gelo, ikamamatay ko Adr