Mystery “Anong meron at nakasimangot ang bata?” pagtawag pansin ko kay Jade nang mapasukan ko siya sa kwarto na gulo-gulo pa ang buhok at ayaw magpaipit sa maid. Malapit pa lang ako sa silid niya ay dinig ko na ang naiinis niyang sigaw sa katulong. “Mommy! You’re here na! Si Ate Kitty kasi eh, sinabi ng ifrench-braid ako hindi naman marunong. Ikaw na nga lang po,” paglapit niya sa akin at inagaw sa maid ang hawak-hawak na brush. Nahihiyang ngumiti naman ang katulong. “Pasensya na Ma’am, hindi talaga ako marunong magtirintas buo mula sa taas.” “Sige na, Ate. Ako na lang dito, pasensya ka na kay Jade.” “Ayos lang po, Ma’am. Sanay naman na po.” Napailing ako sa sinabi niya at dinala si Jade sa harap ng vanity mirror. “Jade, she’s older than you. You should respect her, kung hindi niy