“Donnalyn! Donnalyn!” I hear a man's voice. I also feel his touch on my cheek. My eyelids feel heavy when I opened it “Tho-Thomson,” sambit ko. Agad niyang inalis ang kanyang kamay at huminga siya nang malalim. “Anong nangyari sa akin?” tanong ko pa sa kanya. Tumayo siya at umupo sa kabilang upuhan. “Natumba ka kanina.” “Na-Natumba ako?” untag ko. “Hindi mo ba naalala? Huwag mong sabihing na-amnesia ka kaagad, samantalang hindi ka naman nauntog sa semento,” sarkastiko na sambit niya sa akin. Kinapa ko ulo ko. Wala namang masakit dito. Sinuri ko rin ang katawan ko at wala naman akong nakitang pasa. Kundi, masama ang pakiramdam ko dahil nahihilo ako. “I-Ikaw nagbuhat sa akin?” muling tanong ko. Dahan-dahan akong bumangon kahit nahihilo pa ako. Bumuntong-hininga siya. “Sino pa ng