“May narinig kasi akong kaluskos, kaya sumilip ako. Pero, ikaw lang pala,” kinakabahang sambit ko. “Binabantayan mo ba ‘ko, ha?” gagad niya. “Hi-Hindi. Kabubukas ko lang ng pinto at hindi ko naman talaga alam na ikaw ang nasa sala. Um, sige, matulog na ako para hindi kita maistorbo,” sambit ko. Mabilis kong isinarado ang pinto at ni-lock ko ang pinto dahil nakatatakot ang titig niya sa akin. Huminga ako nang malalim. Tinungo ko na ang kama ko at humiga na ako. GUsto kong kausapin si THomson. pero, alam ko namang walang patutunguhan kung ‘yon ang guisdto kong gawin. At alam ko ring hindi magiging maayos ang pag-uusap namin dahil galit nga siya sa akin. Naaalala ko noon na okay pa kami at dinadalhan nila ako ng pasalubong ni Ate Dafne sa bahay. Sabi ko sa kanya na gusto ko siyya,