“Pvtang ina ka pala, eh!” sigaw ni Thomson, sabay suntok kay Harold ngunit nailagan ‘yon ni Harold. “Ayaw kitang patulan, Thomson. And remember that you are still in therapy and medications!” sambit ni Harold at hinila na ako palayo kay Thomson. “Hindi mo na sana pinatulan ang kaibigan mong ‘yon,” saad ko. “Nakakainis kasi, eh. Kung hindi lang ako tinawagan niyan noon at nakiusap, hindi ko siya pagbibigyan dahil alam mo naman sigurong hindi niya forte ang business at guro naman talaga ang forte niya. Kaso, ‘di ba sa kahihiyan kaya hindi natuloy ang kasal nilang magfiancee. And I don’t even really know what was happened dahil wala rin naman akong pakialam. Ngayon na nagamay niya na lahat ng documents, akala mo kung sino,” inis na sambit ni Harold. “Ano ba talaga ang papel mo sa komp