“My ba-bad, Thomson,” hinging paumanhin ko dahil sa lakas ng pagkasasampal ko sa kanya.
“Umalis ka na, Donnalyn dahil baka kung ano pa’ng magawa ko, sa ‘yo! Leave!” pagtataboy niya sa akin.
“Hindi ako aalis, Thomson, hindi ako aalis! At dito lang ako!” sambit ko.
“Damn you!” sigaw niya sa akin, kasabay ng pag-amba niya ng kanyang kamay.
Kitang-kita ko naman ang nagngangalit niyang mata, at nangingilid niyang luha.
“Sige, Thomson! Sige! Sampalin mo ‘ko dahil sa pagsira ko sa kasal n’yo ni Ate Dafne! Pero, ginawa ko lang naman ‘yon dahil nga mahal kita! Mahal kita!” paulit-ulit na bulalas ko.
“Hindi ‘yan pagmamahal! Bullshit!” muling sigaw niya sa akin. Naisabunot niya ang kanyang kamay sa buhok niya. “Ang tagal kong hinintay ang araw na ito para maikasal kami ni Dafne! Pero, pvtang ina! Pvtang ina!” sigaw na naman niya sa akin, kasabay ng pagbagsak ng luha niya. Gusto ko siyang yakapin, pero galit na galit siya sa akin. Kinuha niya ang mga inalis kong saplot ko at itinulak niya ako palabas, sabay tapon niya sa aking ng mga damit ko. “Huwag kang magpakikita sa akin, Donna dahil papatayin kita! Papatayin kita!” banta pa niya sa akin.
Tila, parang hindi siya nagbibiro, kaya naman dinampot ko ang mga gamit ko at isa-isa kong isinuot ang mga ‘yon. At hindi ko alintana ang mga taong nasa paligid na pinagtitinginan kami.
Tiningnan ko pa si Thomson at mabagsik niya akong pinukulan ng masamang tingin, kasabay ng pagbagsak niya ng pinto.
Naglakad na ako paalis at naririnig ko pa ang mga pinagsasabi ng mga tao.
“Grabe naman ‘yang babae na ‘yan! Ang daming lalaki sa gilid o sa Maynila dahil doon siya nagtatrabaho. Pero, ang babayawin pa niya talaga ang tinuhog niya. Kawawang Ma’am Dafne dahil inagawan siya ng kapatid niya. Kalnding babae, hindi na talaga nahiya!” narinig kong sambt ng isang babae.
“Talagang walang hiya, kamo! At gawahin ba ‘yan ng matinong babae at edukada! Pero, huwag na tayong magtaka mga kumare, dahil gan’yan din ang kanilang inang si Magdalena, hindi ba? Haliparot din! Kaya, kanino pa nga ba magmamana ‘yan, de sa nanay niyang galing sa club at kumikembot-kembot ng ganito,” komento naman ng isang babae na gumilng pa, dahilan upang lapitan ko ang mga ito.
“Excuse me, mawalang galang na nga po. Narinig ko ang pangalan ng nanay ko sa bibig ninyo. Okay lang ho sana na ako lang ang pag-usapan ninyo, pero ang nanay ko, ibang usapan na ho ‘yon. At inaano ba namin kayo? Dahil ba nakita n’yo ‘kong hubad, ha? Ano naman kung hubad ako kanina? Ba’t hindi ninyo gayahin?” sarkastiko na sambit ko.
“Aba’t, ba’t ka namin gagayahin? Eh, ang landi mong babae! Tingnan mo, nagpaiy*t ka sa bayaw mo!” gagad sa akin ng may katandahan ng babae.
“Nakita n’yo ba na iyon ang ginawa namin, ha! Nakita n’yo ba ng akto na nag-iy*tan kami ni Thomson!” asik ko sa mga ito. Wala silang nakita, kaya idedepensa ko ang sarili ko.
“Alangan namang ipakikita mo ang ginagawa n’yo sa amin? Bobo ka pala, eh! Aminin mo na talagang malandi ka! Katulad ka ng nanay mong bayaran sa club!” gagad sa akin ng isang babaeng blonde ang buhok.
“Wala kayong karapatang pagsabihan kami ng gan’yan dahil hindi n’yo kami pinalalamon! At baka, gusto n’yong ipa-barangay ko kayo dahil sa matatabil ninyong dila!” pananakot ko, dahilan upang magsialisan ang mga ito sa harapan ko.
Huminga ako nang malalim. At naglakad na ako patungo sa kanto na wala man lang akong suot na sapatos, kaya talagang pinagtitinginan ako ng mga tao at pinagbubulungan pa ako.
“Hindi ka dapat mahiya, Donna dahil kagustuhan mo ‘yan! Huwag kang ma-expect na may marinig kang maganda sa mga taong pinag-uusapan ka ngayon!” kastigo ko sa aking sarili.
Nagbingi-bingihan na lang ako dahil dagdag lang sila sa isipin ko. Pagdating ko sa kanto’y may nakaparadang traysikel, kaya naman sumakay na ako. Pero, naalala kong wala pala akong dalang pera.
“Anak ka ba ni Aling Magda, Ineng?” tanong ng drayber sa akin.
“Oho, Manong. Um, puwede ho bang ihatid n’yo na lang ako sa bahay at do’n na lang ako magbabayd,” paliusap ko.
“Kahit, huwag na, Hija,” ngiti nito sa akin.
Pinaandar na nito ang sasakyan, hanggang sa makarating ako sa bahay. Nandito ang sasakyang ginamit ni ate, kaya tiyak kong nandito ito.
“Salamat ho, Manong,” sambit ko.
Bumaba na ako. Subalit, mabilis din itong bumaba at hinawakan ako sa braso, kasabay ng paghaplos nito sa akin, kaya naman nagtaasan ang mga maninipis na balahibo ko.
“Puwede bang ikaw na lang ang kabayaran dahil wala kang pamasahe, eh. Kahit isang gabi lang,” ngisi nito sa akin.
“Hindi ho ako ganoong kababang uri ng babae, kaya bitawan n’yo ho ako!” gagad ko, sabay palis ko ng kamay nito sa braso ko.
“Tsk! Katulad ka rin ng nanay mo!” asik nito sa akin, kaya sa inis ko’y kumuha ako ng malaking bato.
“Kung hindi ka aalis, babasagin ko ‘yang mukha mo!” sigaw ko.
Ang respeto ko kanina rito’y biglang nawala. Akala ko pa man din ay mabait na lalaki ito, iyon pala’y may ibang intensyon.
“Pasalamat ka pa nga at pinasakay kita! Ang ganda ng suot mo, pero wala ka naman palang pera!” asik nito. Sumakay na ito at pinaharurot nito ang bulok nitong traysikel.
Binitawan ko ang bato. Pumasok na ako sa loob ng bahay at kinatok ko ang kuwarto ni Ate Dafne.
Naririnig ko ang pag-iyak nito, kaya naman napalunok ako. At nagsilaglagan na rin ang mga luha ko.
Alam ko, kung gaano ako kamahal ng Ate Dafne ko, dahil sa sakripisyo niya sa akin, makapagtapos lang ako.
Mas pinili rin nitong manahimik at hindi sumama kay Kuya Lindon para sa amin ni nanay at para sa kinabukasan ko.
“Ate! Ate!” sunod-sunod na sambit ko.
“Ayaw muna kitang kausapin, Donna!” narinig kong saad nito.
Ngunit nagpumilit ako, hanggang buksan nito ang pinto.
“Patawarin mo ‘ko, Ate. Saka, hindi mo naman siya mahal , di ba! Si Kuya Lindon ang mahal mo, kaya ginawa ko ‘yon dahil gusto ko kayong sumayang dalawa!” gagad ko.
“Pero, hindi sa ganoong dahilan!” bulalas nito. “Hindi mo ba naisip na kahihiyan ang aabutin ko!” sigaw pa nito sa akin.
“Kahihiyan, Ate? Kahihiyan! NOon nga na pumatol ka sa estudyante mo’y hindi ‘yon kahihiyan sa ‘yo! At ako ang nakahihiya rito, Ate, ako! Dahil mas pinili ko na gawin ang tama kaysa alam kong hindi ka naman masaya kay Thomson!” sigaw ko. “Hindi ko naman ito gagawin, Ate kung si Thomson ang mahal mo. Kaso, hindi, ‘di ba? At matagal ka na niyang niloloko dahil siya ang dahilan kung ba’t nalaman ng nanay ni Kuya Lindon ang sekreto ninyong relasyon noon!” pagbubulgar ko, dahilan upang mapaawang ang labi nito. “Hindi ko agad sinabi sa ‘yo dahil nga mahal ko siya. Tulad ni Kuya Lindon ay gagawin ko lahat para sa taong mahal ko. Ate, pakinggan mo naman ang puso mo. Alam kong sobrang sakit ng ginawa ko ngayon. But this is the right time para sa inyo ni Kuya Lindon. Ate, hirap na hirap na ‘yong tao. At kung kaya mong magsakripisyo sa akin noon, kayang-kaya ko ring magsakripisyo sa ‘yo, at ito na ‘yon,” hikbi pa na sambit ko.
“Pero, hindi mo kailangang gawin ito, dahil sabi ko naman sa yo na nagdesisyon na ako. Matututuhan ko ring mahalin si Thomson, kaya sana, hindi mo na ito ginawa!” matigas na saad ni ate sa akin.
“Matututuhan? Pero, mahirap turuan ang puso, Ate. At iba ang saya sa mata mo, kapag si Kuya Lindon ang kasama mo. Please, Ate, huwag mo nang lokohin ang sarili mo! But, I’m so sorry,” muling iyak ko at niyakap ko siya nang mahigpit. “I didn't intend to hurt you. And I especially don't intend to destroy your marriage. All I want is for you to make amends because you and Kuya Lindon are both hurting, Ate,” umiiyak na saad ko.
Niyakap ako ni Ate Dafne at pinatawad niya ako. Subalit, galit na galit sa akin si nanay sa ginawa kong iyon dahil ayaw nilang matulad kami sa kanila.
NANG GABING iyon ay nagpaalam ako kina inay at Ate Dafne. Pinigilan ako mga ito, pero gusto ko munang mapag-isa.
Lumuwas na ako sa Maynila. Nag-isip ako ng ng plano at kung anong dapat kung gawin mapa- sa akin lang si Thomson.
Hindi puwede na hanggang doon lang ang gagawin ko, lalo na at naumpisahan ko na ang plano ko.
Huminga ako nang malalim. Kumuha ako ng wine sa cabinet at tinungga ko iyon.
“Makukuha rin kita, Thomson! Makukuha rin kita!” sambit ko.
I am desperate for what I'm going to do. I will resign from my job. At mama-masukan ako bilang katulong ni Thomson. Because I will do everything to get him!
Two weeks passed, I heard that Thomson had resigned as a teacher. At nandito na siya sa Maynila ayon kay nanay nang makausap ko sila sa phone.
Napangisi ako dahil hindi ko na kailangan pang umuwi sa probinsya upang doon gawin ang aking plano.
I have prepared my resignation letter. Pumasok na ako sa opisina at tamang-tama dahil bumalik na si Kuya Silver galing bakasyon.
“Kuya Silver,” I said and gave my resignation letter to him.
“What is the meaning of this, Donna? Magre-resign ka?” untag nito sa akin.
“Yes, Kuya Silver. And my decision is final,” saad ko.
“Dahil ba ito kay Thomson?” he asked. I didn't answer, so he took a deep breath. “Alam ba ito ni Ate Dafne mo?” muling tanong nito sa akin.
“Hindi, Kuya Silver. And if Ate Dafne finds out that I resigned, I don't have to explain. I'm not young enough to always explain. This time, ako naman ang masusunod,” matigas na pahayag ko.
Bumuntong-hininga ito. “Okay. I can't do anything else and just take your one month's salary from the treasury.”
“Thanks, Kuya Silver,” ngiti ko.
“Kung si Thomson ang pupuntahan mo, heto ang address niya. Hays, iba talaga nagagawa ng pag-ibig,” iling nito at ibinigay sa akin ang address ni Thomson.
Muli akong nagpasalamat kay Kuya Silver at umalis na ako. Dinaanan ko ang sahod ko sa treasury. Lumabas na ako at sumakay na ako sa taxi. Kinausap ko ang driver na hintayin na lang niya ako at ihatid niya ako sa address ni Thomson.
Paglipas ng halos isang oras na biyahe ay nandito na ako sa harapan ng gate ng bahay nila Thomson. Nagbayad ako at bumaba na ako dala ang aking maleta.
Nagdoorbell ako. Pinapasok naman ako ng katulong. Ngunit, hindi pa man din ako nakapapasok sa loob ay nakita na ako ni Thomson.
“What the fvck are you doing here!” gagad niya sa akin.
“Gu-Gusto ko sanang humingi nang tawad, Tho-Thomson,” napalulunok na sambit ko.
“Tawad! Humihingi ka nang tawad sa ginawa mong pagsira sa kasal namin ng ate mo! Tang *na! Kailanmay hindi mo na maibabalik ang nasira mo! You’re a slut! A w***e! And I will never forgive you for what you fvcking did to me!” galit na sigaw niya sa akin.
Lumuhod ako sa kanya. “Please, Thomson, gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako. Magpakatutulong ako, sa ‘yo. At gawin mo, kung ano’ng gusto mong gawin sa akin.”
“Gusto mong patawarin kita? Then, be my fvcking sxx slave!” bulalas niya, dahilan upang mapalunok ako.