“Fvck! Why didn't you knock! And you just entered my office without permission!” galit na sambit ni Thomson sa akin. “Buwiset naman ‘yang katulong mo, Babe! Istorbo! Pakalat-kalat na naman kung saan-saan!” asik naman ni Christine. “Kumatok naman ako. Kaso, hindi n’yo naman yata narinig,” depensa ko. “So, kasalanan pa naman ngayon kung hindi kami sumagot, ha!” gagad sa akin ni Christine. “At saka, Babe, pinapunta mo ba ang babaeng ‘yan dito? Look at her! Mukha siyang pupunta sa party, samantalang paglilinisin mo lang naman siya ng opisina mo,” saad pa nito, dahilan upang mapaawang ang labi ko. “Ma-Maglilinis ako rito?” hindi makapaniwalang sambit ko. “Ano sa tingin mo? Alangan namang magpa-party ka rito?” gagad pa ni Christine sa akin. “Ba’t kasi nagbihis ka nang gan’yan? Maglilin