Pero, baka hanapin ka ni Christine,” sambit ko. “Bakit, malalaman ba niyang nandito tayo?” saad niya. “Paano ang show ninyo? Hindi ba’t this week na ‘yon,” pahayag ko. “Puwede ko namang ikansela,” sagot niya. “Umuwi na lang tayo, buti pa, Thomson dahil hindi ko gusto ‘yang plano mo,” gagad ko. “Hindi mo gusto? Hindi ba’t mahal mo ‘ko? Ayaw mo ba na masolo mo ‘ko rito, ha?” gagad rin niya sa akin. “Gusto, pero may mga bagay ka na dapat asikasuhin at—” “Ba’t ang dami mong sinasabi? Dapat pa nga ay masaya ka, hindi ba? Pero, bakit nagrereklamo ka pa rin?” asik niya sa akin. “Hindi ako nagrereklamo. Sinasabi ko lang naman side ko lalo na at hindi mo naman sinabi sa akin na pupunta tayo rito. Ni gamit ay wala tayo at ni—” “Shut up! Ang ingay mo! Ba’t pinoproblema mo ‘yan? Eh, p