KULANG na naman sa tulog si Rechell. Ganoon siya palagi kapag nae-excite, hindi siya makatulog. Pinapangunahan kasi ng isip niya ang mangyayari sa pagsisimula niya bilang secretary ni Renzo. Kahapon pa siya nakabili ng anim na skirt at blouses. Mabuti na lang hindi pa niya nagastos ang limang libo na naipon niya mula sa pagbebenta ng palay. Parte niya iyon sa pagtulong niya sa mga nagsasaka kahit taga-luto lang ng meryenda.
Sa sobrang excitement ay late tuloy siyang nakarating sa opisina. Nagkanda-ligaw-ligaw pa siya. Malapit daw sa opisina ni Renzo ang opisina niya para mas madali siyang makalapit if kailangan siya nito.
Patakbo siyang pumasok sa office of secretary na hindi na nag-abalang kumatok. Pagpasok niya’y napako ang mga paa niya sa bukana ng pinto nang masentro ang paningin niya sa nakatayong lalaki habang nakatalikod sa kanya. Suot nito’y hapit na itim na polo-shirt at itim na maong na pantalon. Likod pa lang, nangatog na ang tuhod niya. Ang sexy ng likod nito. Ang tintig nito ay nakakaakit, perpekto para sa isang lalaki.
“G-Good morning, Sir!” masiglang bati niya. Pinanatili niya ang matamis na ngiti sa mga labi hanggang sa harapin siya nito.
Ganoon naman ang agarang pagtabang ng ngiti niya nang magtama ang mga mata nila ni Renzo. Dumalantay sa mga ugat niya ang init mula sa titig nito. Pakiramdam niya’y sinisigaan ng apoy ang katawan niya. Parang gutom na tigre si Renzo, na ang tingin sa kanya ay sariwang karne. Mamaya’y naibaling niya ang tingin sa hawak nitong kalibre kuwarenta’y singko. Naitaas niya ang kanyang dalawang kamay.
“H-Hindi po ako papalag, sir,” aniya.
Ibinaba naman nito ang baril at ipinasok sa drawer ng mesa sa harap nito. “You’re late,” anito saka lumabas mula sa office table.
Ibinaba naman niya ang mga kamay. “Ahm, sorry, hindi ako nagising nang maaga,” sabi niya.
“I thought you’re already here so I came here to give you some instructions,” seryosong wika nito. Huminto ito may isang dipa ang pagitan sa kanya. Nilinis niya ang bara sa kanyang lalamunan. “Ang baril na nakita mo, iniiwan ko lang dito sa office mo. In case of emergency, you can use the gun,” he said.
Napalunok na naman siya. Bakit kailangan pang may baril? “Uhm, I think I don’t need a weapon, sir. Wala naman sigurong magnasang pumasok dito para manakit,” aniya.
“I know but we have to be ready. This in an intelligence agency too, may posibilidad na mapagbalingan tayo ng mga kriminal.”
“Pero hindi po ako marunong bumaril.”
“You can practice at my own firing range. Also, you are obliged to get a security licence since you’re working here.”
Napanganga siya. Bakit hindi nito nasabi iyon kahapon? “Do I need to undergo training?” kinakabahang tanong niya.
“No need, pero may exam and some seminars na kailangan mong daluhan before you can get the security licence. Don’t worry, I’m the one will process your licence,” paliwanag nito. “But I allow you to practice how to use gun-for self defence purpose,” he added.
Kinakabahan pa rin siya. Mas mahigpit para si Renzo kaysa sa naunang security agency na pinagtrabahuhan niya kahit ang may-ari niyon ay active Military official.
“You mean, need ko rin ng licence para makagamit ako ng baril?” tanong niya.
“No need as long as you have the security licence. About the gun, you are able to use it when you are on-duty and you are under my custody as long as the licence of the gun was not yet expired.”
Tatangu-tango siya. “Okay po.” Lumapit na siya sa kanyang office table. Kompleto ang gamit doon maging computer na gagamitin niya. Naroon na rin ang instructions at mga aayusin niyang papales at re-review-hin.
“And…” Humarap sa kanya si Renzo. Tumitig siya rito. Hindi pa siya nakakaupo. “Nice to meat you again,” sabi nito.
Sa isang iglap ay tila nawala siya sa huwisyo. She just heared her pounding heart and his last words echoing in her ear. Parang napakagantang musika niyon.
“I know the issue about your father and my uncle’s family made history to Lucena City. The trends issue many years ago was still fresh. At naungkat iyon nang mabigyan ng amnesty ang tatay mo,” sabi nito na nagbalik sa isip niya sa realidad.
Nagbago ang mood niya. Nawala ang munting kilig at nahalinhan ng pagkabalisa. “Hindi pa ba sapat ang ilang taong paghihirap ni Papa sa kulungan?” usig niya rito sa mahinahong tinig.
Tumapang ang anyo ni Renzo. “Patung-patong ang kaso niya at oo, nagdusa na siya sa kulungan pero ang pasakit na naidulot niya sa pamilya ng Tito ko ay hindi nababayaran ng parusa ng batas. But then, I respect the decision of the court,” may hinanakit na sabi nito.
Nanikip ang dibdib niya, knowing that the incident was not her father’s intention. Alam niya iyon dahil higit na kilala niya ang kanyang ama. At imposible, kung talagang gusto nitong pumatay, bakit pati ang Mama niya ay sinaksak nito? Iyon ang katotohanan ng pinabulaanan ng korte. Naging star witness siya, naikuwento niya ang pangyayari pero hindi iyon naging sapat. Kahit ang paliwanag ng kanyang ina ay hindi nakalusot. Nakulong pa rin ang Papa niya. Palibhasa mas maimpluwensiya ang pamilya ng kabilang panig at may kapatid na abogado at pulis ang tito ni Renzo. Naging problema rin ang pagiging foreigner ng Tito ni Renzo. Nakialam sa kaso ang awtoridad sa Spain.Of course, one of their citizen was a victim.
Noon lang niya naintindihan ang lahat, noong magdalaga na siya. “Hindi naman nagawa ni Papa ang krimen kung walang kung anong sumapi sa kanya,” hindi napigil na depensa niya.
Pilyong tumawa si Renzo, an evil laugh for her. “Hanggang ngayon ba naman ipipilit pa rin ninyo ang bagay na iyan? He still killed an innocent human. Ang batas ay batas. Hindi mo puwedeng idahilan na nawala siya sa sarili,” buwelta nito.
“Kaya nga minsan ang unfair ng batas. Hindi patas ang justice system,” aniya sa matigas na tinig.
“Dumadaan sa proseso ang lahat, Rechell. Malinaw ang lahat ng ebidensiya at isa ako sa naging star witness at ikaw rin kaya pareho nating alam at nakita na mismong mga kamay ng tatay mo ang pumatay sa tito ko,” giit nito.
Naninikip ang dibdib niya. Their conversations turns into argument. She hate this. Lalo siyang nasasaktan habang iginigiit nito sa krimen ang tatay niya.
“Galit ka pa rin ba sa tatay ko at sa buong pamilya ko?” mangiyak-ngiyak na tanong niya rito. Ang aga-aga’y may balak ata itong paiyakin siya.
Bumuntong-hininga si Renzo. “Ang tagal na ng nangyari pero inaamin ko na hindi ko iyon nakalimutan. Pangalawang ama na ang turing ko sa Tito ko at mas naging close ako sa kanya kaysa sa mga magulang ko. But it’s all done, we don’t have to argue with,” anito sa kalmadong tinig. “Just forget this conversation and you may start your works. Anything you want to know was indicated at your orientation book on the table. Just take your time to read it,” pahabol nito saka tuluyang lumabas.
Nang wala na sa paningin niya si Renzo ay saka pa lamang siya nakampante at nagsimulang magtrabaho.
KALAHATING araw pa lamang nakaupo sa harap ng computer si Rechell ay sumakit na ang ulo niya. Hindi siya makausad sa unang task na pinapagawa ni Renzo. Nire-review pa lang niya ang files at magulo siguro dahil paiba-iba ang secretary nito.
Kailangan maiayos niya ang papeles bago dalhin kay Renzo at papirmahan. Late na siyang nag-lunch dahil sa kagustuhan niyang matapos ang lahat na papeles na kailangan mapirmahan sa araw na iyon. Saka na niya aayusin ang schedules ng mga meeting at business related transactions ni Renzo.
Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay ginugupo siya ng antok. Noon lang niya labis dinamdam ang antok dahil sa kakulangan ng tulog. Nang hindi na niya matiis ang antok ay lumabas siya ng opisina at nagtungo sa coffee station ng kumpanya. Wala nang tumatambay roon.
Lumapit siya sa coffee machine at kumuha ng cup saka isinahod sa machine. Panay ang hikab niya habang hinihintay mapuno ang baso niya. Katagalan ay nakaramdam siya ng maalinsangan na hanging pumasok mula sa nakabukas na glass window. Mainit talaga ang klima dahil papasok na ang summer.
Nang mapuno ang baso niya ay iniwan muna niya ito sa mesa saka siya pumasok sa comfort room para mag-freshen-up. Pinagmamasdan niya ang kanyang sarili sa salamin at inayos ang kanyang buhok. Habang abala siya ay nahagip ng paningin niya ang pagbukas ng pinto sa likuran sa pamamagitan ng salamin. Inaabangan niya na may pumasok pero wala. Nagsara ulit ang pinto.
Kinikilabutan siya. May katigasan ang pinto at wala namang hangin na maaring tumulak dito. Mamaya’y naramdaman niya ang maalinsangang hangin na dumampi sa katawan niya. Wala naman siyang makitang nakabukas na bintana upang doon pumasok ang hangin.
Nang tingnan niya muli ang kanyang sarili sa salamin ay kumislot siya nang may mapansin siyang itim na usok na kumalat sa likuran niya. Inalipin siya ng takot kaya kumaripas siya ng takbo palabas ng palikuran. Binalikan niya ang kanyang kape saka kinuha at bumalik siya sa kanyang opisina.
Pakiramdam niya’y tumakbo siya ng ilang milya. Hinahapo siya at mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso. Nawala tuloy ang antok niya at hindi niya naubos ang kanyang kape. Lalo lang kasi siyang nanenerbiyos. Nang kumalma siya ay itinuloy niya ang ginagawa.
Eksaktong pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay natapos ni Rechell ang papeles na papipirmahan kay Renzo. Mabuti na lang hindi pa ito umaalis. Patakbo siyang sumugod sa opisina nito. Isang katok lang sa pinto ay kaagad iyong bumukas.
Pumasok siya kaagad. Namataan niya si Renzo na patungo sa office table nito. Kinuha nito ang baril nito roon saka itinago sa drawer ng mesa nito. Ramdam niya ang pagsunod ng maalinsangang hangin sa kanya. Sobrang ginaw sa loob ng opisina ni Renzo.
Lumapit siya rito at inilapag ang makapal na papeles sa lamesa nito. “Ito na po ang pipirmahan ninyo, sir. Kasama na po riyan ang sa ibang branch office,” aniya.
Tulalang nakatitig lang si Renzo sa inilapag niyang papeles. Tuwid itong nakatayo at hindi gumagalaw. Naiilang siyang kausapin pa ito kaya nagpasya siyang umalis.
“Aalis na ako, sir,” paalam niya.
Tumalikod na siya nang biglang hawakan nito ang kanang braso niya. Pumiksi siya saka marahas na pumihit paharap dito. Nagtatakang tinitigan niya ito habang nakayuko. Kumunot ang noo niya. Bakit siya nito pinigilan na walang sinasabi?
“Uhm, m-may kailangan pa po ba kayo, sir?” magalang na tanong niya.
Binitawan nito ang braso niya. Mamaya ay bigla na lamang itong natumba. Napatili siya at talimang nilapitan ito. Mabuti hindi derektang bumagsal ang ulo nito sa sahig dahil nasalo ito ng paa ng swivel chair.
Natataranta siya. Inakay niya ito patayo ngunit nahirapan siya dahil ang bigat nito. Mabuti na lang may sofa sa gilid ng table nito. Hinila niya ito hanggang unti-unti niyang maisampa sa sofa ang katawan nito. Para siyang humila ng isang kabang bigas o higit pa.
Nang maiayos na niya ang mga paa nito ay nagulat siya nang bigla itong gumalaw at hinagip ang baywang niya. Nawalan siya ng panimbang nang hatakin siya nito palapit dito. Napaluklok siya sa kandungan nito.
Umupo si Renzo at titig na titig sa kanya. “Hola, Rechell! Ang iyong ganda ay sadyang nakakahalina,” sabi nito at malapad na ngumiti.
Nagtatakang tumitig siya rito. Una’y kinilabutan siya ngunit nang puriin nito ang ganda niya ay tila lumapad ang atay niya.
“Uhm, salamat,” naiilang na sabi niya. “Puwede na ba akong umalis?” pagkuwan ay tanong niya.
Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “Alam kong gusto mo ako. Malaya kang gawin iyon, Rechell,” sabi nito.
“Ha?” Napanganga siya.
Natigilan siya nang marahang haplusin nito ang makinis niyang pisngi. Inilapit pa nito ang mukha sa kanyang mukha. Hindi siya makapaniwala. Si Renzo ba talaga ang kaharap niya? Naguguluhan ma’y nanaig pa rin ang pagkahibang ng kanyang puso.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang ilapat nito ang mga labi nito sa bibig niya. Ang init ng labi nito ay bumuo ng init na awtomationg dumantay patungo sa bawat himaymay ng kanyang mga ugat at laman. Kagyat lamang ay nadarang siya sa maalab nitong halik.
Nang kumilos ang mga labi nito at binuksan niya ang kanyang bibig bilang pagpapahintulot dito na ituloy nito ang ginagawa. Hindi niya namalayan ang bilis ng pangyayari. Natagpuan na lamang niya ang sarili na tumutugon sa halik nito. It was her second kiss from this guy, una; noong mga bata pa sila, kahit aksidente ay naglapat pa rin ang mga labi nila. Hindi niya iyon kailanman nakalimutan.
Nahihibang siya sa halik nito lalo nang maglakbay ang kamay nito sa kanyang katawan. Hindi siya na-distract nang hubugin ng kamay nito ang isang dibdib niya, bagkus naging mitsa iyon upang lamunin ng pagnanasa ang kanyang pagkatao.
Ang banayad na paggalaw ng kamay nito ay unti-unting nagiging marahas hanggang baklasin nito ang kanyang blouse. Nagtalsikan ang botones nito at nahatad ang kanyang dibdib. Nang maalis na rin nito ang kanyang bra ay bumaba roon ang mainit nitong bibig at halinhinang nilalasap ang bawat tuktok nito.
Umungol siya roon at tuluyan siyang nawala sa huwisyo. Umigtad siya upang bagyang laya itong malasap ang kanyang mayamang dibdib. Pagkuwan ay itinulak siya nito pahiga sa sofa at ito ang pumaibabaw sa kanya.
Mabilis nitong nahubad ang nalalabing saplot niya pan-ibaba. Ramdam niya ang paghagod ng kamay nito sa kahubdan niya. Nagdulot iyon ng mas matinding sensayson sa kanyang kaibuturan at ramdam niya ang kanyang labis na kahandaan.
“Uhhmmm…” mahinang ungol niya.
Nasundan pa ang kanyang halinghing nang bumaba na rin ang mainit nitong bibig sa kanyang puson-pababa pa roon sa pagitan ng kanyang mapipintog na mga hita. Kuya iyong naghiwalay at lumingkis ang mga binti niya sa leeg ng kaniig.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik ang bibig nito sa kanyang dibdib, ngunit ramdam niya ang pagdaiti ng ibabang bahagi ng katawan nito sa pagitan niya. Noon lamang niya napansin na wala na itong saplot pang-ibaba. Tila hindi na ito makapaghintay na maangkin siya.
Kumapit siya nang mahigpit sa mga braso nito nang maramdaman niya ang pagdating ng p*********i nito sa kanyang kaangkinan.
“Aaahh!” malakas niyang daing nang unti-unti itong bumaon sa kanya.
Gumuhit ang kirot sa kanyang kaibuturan. Nagatal siya at walang tigil ang paghihiyaw. Subalit ang kirot na iyon ay pansamantala lamang dahil kagyat lamang ay naghahari na ang nakakahibang na sarap. Isang bagsak na sigaw nang tuluyan itong sumagad sa kanya ngunit pagkatapos niyon ay nalulunod na siya sa kaligayahan.
Sumabay ang kanyang katawan sa pag-indayog nang magsimulang umulos sa kanya ang binata. At sa bawat pag-ulos nito ay napapadaing siya sa kaluwalhatian. Mariin siyang pumikit nang pakiramdam niya’y may namumuong bayolenteng init sa kanyang kaloob-looban. Ramdam niyang malapit na siya sa sukdulan.
Ilang ulos pa ng katalik ay tuluyan siyang um-orgasm. Sandali siyang nakalimot at tila nakakita siya ng nagniningning na mga bituin. Kasabay niya’y narinig niya ang matagumpay na sigaw ni Renzo-hudyat na nakamit na rin nito ang sariling orgasmo. Kinabahan siya nang nanatili ito sa loob niya at ramdam niya ang mainit na likidong iniwan nito roon.
Bumagsak ang pagal na katawan ng binata sa ibabaw niya.
Nang kumalma ang pangangatal ng katawan ni Rechell ay itinulak niya si Renzo. Wala itong kibo na nakaluklok sa sofa. Nakataas na ang salawal nito. Siya naman ay pinagpupulot ang kanyang kasuotan at nagdamit. Mabuti na lang may dala siyang ekstrang damit sa bag niya. Hindi na kasi maibalik ang botones ng blouse niya.
Hiyang-hiya siya sa nangyari pero wala na siyang magawa, tapos na. Ang hindi lamang niya maintindihan ay bakit wala pa ring kibo si Renzo. Hindi niya mahulaan kung ano ang iniisip nito.
“R-Renzo…” mahinang tawag niya rito. Iniipit niya ng kamay ang harapan ng kanyang blouse na hindi na maibotones sa itaas na bahagi.
“Leave me alone,” mahinahong sabi nito.
May kung anong mabigat na bagay na dumagan sa dibdib niya. Hindi niya ito maintindihan. Pagkatapos ng nangyari, basta na lang ba siya nitong paalisin without explaining? Though wala itong kasalanan dahil ginusto rin niya ang nangyari, pero ang balewalain siya nito sa puntong iyon ay ibang usapan.
“W-wala ka man lang bang sasabihin?” tanong niya sa matigas na tinig.
“Just leave me alone,” ulit nito ngunit nanatiling nakayuko.
Doon na siya nairita. “Hindi kita maintindihan. Ano ba ang gusto mong palabasin?” aniya.
“Just-leave-me alone!” asik nito.
Napaatras siya nang masaksihan niya ang nanlilisk nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Nasindak siya at kumaripas ng takbo palabas ng opisina nito.