Chapter 5

2059 Words
"Stable na po ang pasyente. Maayos naman po vital signs ng Lola mo. Hintayin na lang po natin na magising at anumang oras po ay mangyayari yon," wika ng doctor na ikinahinga ng maluwag ni Danica. Successful ang naging operasyon ng Lola niya at malaki ang pasasalamat niya doon lalo na kay Christian na halos ito na lahat ang umako ng gastusin ng Lola n'ya sa hospital. Napaka-swerte pa rin n'ya kahit na sa kabila ng pinagdadaanan ng Lola n'ya ngayon ay may nakilala s'yang isang Christian Montellano na tumutulong sa kanila. It's been a week simula ng mangyari ang lahat. One week na rin s'yang tumutuloy sa malaking bahay dahil hindi s'ya pauwiin ni Christian at wala din naman daw s'yang kasama sa bahay. Bumibisita lang s'ya sa Lola n'ya sa hospital at lagi din n'ya itong kasama. Lagi itong nakasunod at nakabantay sa kanya lalo na pag lumalabas s'ya ng malaking bahay. Na para bang tatakasan pa n'ya ito sa kabila ng lahat ng naitulong nito sa kanya. Hindi naman s'ya ganun kasama para gawin yon. Ito rin ang nagbayad sa lahat ng bills ng Lola nya sa hospital tulad ng sinabi nito at kumuha rin ang binata ng personal nurse na magbabantay dito pag umuuwi s'ya. At sa laki ng naitulong ni Christian sa kanya, hindi n'ya alam kung papano pa s'ya makakabayad dito. At sana, sa oras na hingin nito yong sinasabi nitong kapalit ay taos-puso at bukal sa loob na maibigay n'ya yon sa binata. "Salamat po, doc," nakangiting wika n'ya sa binatang doctor na gumanti din naman ng ngiti sa kanya. Umiwas lang ito ng tingin sa kanya ng marinig ang tikhim (fake cough) ni Christian na ngayon ay masama na ang tingin sa doctor at sa kanya. Huh? Anong nangyari dito? May nagawa ba kaming mali? "Uhm, mauna na ako sa inyo. Babalik na lang ako mamaya para i-check ulit ang Lola mo. Tawagan n'yo lang ako kung sakaling magkaroon ng problema," wika nito bago lumabas ng kwarto at naiwan silang dalawa ng binata kasama ang Lola n'yang unconscious pa rin na nakahiga sa hospital bed. Nasa isang maayos at mamahaling kwarto na sila dahil agad na ipinalipat ng binata ang Lola n'ya noong makitang maraming ibang pasyenteng kasama ang Lola n'ya sa iisang kwarto na may ibat-ibang karamdaman. Baka daw mahawa pa ito ng ibang sakit kaya iba na yong nag-iingat. At mas lalo syang humanga sa taglay na kabaitan ng binata dahil doon. "At bakit ka ngumingiti sa doctor na yon? Don't you know na kanina ka pang pinagnanasaan ng gago na yon? At bakit ba ganyan lang ang suot mo? Kanina ko pa s'yang nahuhuli na nakatingin sa katawan mo na parang hinuhubaran ka na!" seryosong wika nito bago tingnan s'ya mula ulo hanggang paa. At hindi n'ya mapigilan ang mag-init ang magkabilang mukha dahil sa intensidad ng tingin nito. Kakaiba kasi ang titig ng binata na may kakaibang dulot sa kaibuturan n'ya. Nakakapanghina at nakakapag-init na una n'ya lang maramdaman sa kanyang katawan. "Masama bang ngumiti sa ibang tao?" nakasimangot na wika n'ya. "At ganito lang naman ang mga damit ko sa bahay. At ito lang ang maayos-ayos at medyo bago pa," tukoy niya sa color yellow dress na suot n'ya na bumagay sa maputi n'yang kutis. Off shoulder yon at medyo hapit sa kanyang katawan kung kaya't bakas doon ang kurba ng kanyang bewang. Knee length lang din ang haba nun sa kanya at lalong nag-init ang mukha n'ya ng makitang doon nakatingin ang binata. "Hindi masama pero dapat sa mga taong kilala mo lang at dapat hindi sa mga lalaki, naiintindihan mo ba?" she nodded dahil umiiral na naman ang pagiging suplado nito. "At mamaya, ibibili kita ng mga bagong damit, yong hindi makikita ng iba ang dapat ay para sa akin lang mga mata," possessive na anas nito na hindi na lang n'ya pinansin dahil sa loob ng isang linggo n'ya itong nakakasama ay nasanay na s'ya sa mga salitang lumalabas sa bibig ng binata. Mga salitang parang pag-aari s'ya nito.. ng isang Christian Montellano. "Kahit huwag na. Marami pa naman akong damit sa bahay. At ayos naman sa'yo itong suot ko kanina noong nasa bahay pa tayo pero bakit ngayon," "Dahil ayaw kong may ibang nakatingin sa'yo na parang wala kang saplot sa katawan. Ayos lang kanina noong ako pa lang ang nakakakita sa suot mo pero iba na ngayon. Hindi ko naman akalain na takaw-atensyon ka pala lalo na sa mga lalaki," ismid nito bago umupo sa sofa na naroon sa loob ng kwarto bago sumandal doon at pumikit. "Wala naman silang masamang ginagawa sakin. At masama na ba ngayon ang tumingin? Kakilala ko na naman ang iba sa kani—sabi ko nga titigil na ako," pagsuko niya ng samaan siya nito ng tingin na parang hindi nagustuhan ang mga sagot n'ya bago ulit ito pumikit. Huminga na lang s'ya ng malalim bago umupo sa tabi nito. Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa pagitan nila at ng hindi makatiis dahil nga may angkin syang kadaldalan, s'ya na ang unang bumasag nun. "Wala ka bang ibang gagawin o pupuntahan?" tanong n'ya dito dahilan para magmulat ito ng mata bago sumulyap sa kanya. "At bakit mo itinatanong?" nakataas ang kilay na anas nito na ikinangiwi n'ya. Suplado talaga. "Pansin ko lang kasi simula ng dumating ka dito sa Isla, hindi ka man lang umaalis sa bahay mo. Wala ka bang trabaho dito?" "Nandito ako para magbakasyon. At maayos naman ang pamamalakad sa Hacienda at nabisita ko na yon noong unang araw ko dito," he yawned. At napangiti sya dahil sa ginawa nitong paghikab. Mukhang inaantok na naman ito. "Antok ka na naman?" she chuckled.  "Ano bang ginagawa mo sa gabi at laging kang antok sa umaga?" curious na anas n'ya. "Gusto mo talagang malaman?" nakangising anas nito bago umisod palapit sa kanya. "Wala naman akong ibang ginagawa bukod sa pinipigilan ko lang ang sarili kong huwag pasukin ang kwarto mo para angkinin ka. And it's so f*****g hard to sleep with a f*****g hard on kaya ito, napupuyat ako," pilyong anas nito habang papalapit ang mukha sa kanya. At dahil nga sanay na sya sa kalokohan nito, itinulak n'ya ang mukha nito papalayo sa mukha n'ya na ikinasimangot nito. Asa pang makakaisa ulit sa kanya.. "Malandi ka alam mo ba yon," inirapan n'ya ito na mahina nitong ikinatawa. Pilyo talaga... "Sa'yo lang naman," pagpapatuloy nito na hindi na lang nya pinatulan. Dahil hindi ito titigil hangga't pinapatulan n'ya ang kalandiang taglay nito. After ten minutes of silence, natigilan sya ng bigla itong humiga sa sofa at ginawang unan ang kanyang mga hita. Para syang kinapos ng paghinga dahil nakaharap ito sa kanya at nakasubsob ang mukha sa ibaba ng kanyang tyan.. "I'll just take a nap. Aalis din tayo mamaya at pupunta tayo sa hacienda. Mabilis lang din tayo don," wika nito bago umayos ng higa  sa lap niya at ipinikit ang mga mata. Hinayaan na lang niya itong matulog sa kandungan niya dahil halatang antok na antok na ito. Halata yon sa mapupungay na nitong mga mata at hindi nagtagal ay naramdaman niya ang kalmado nitong paghinga patunay na nakatulog na ang binata. Halos dalawang oras sila sa ganung posisyon bago nagising ang binata. At tulad nga ng sinabi nito, umalis din sila kaagad pero kinausap muna nito ang personal nurse na nagbabantay sa Lola n'ya. Hindi s'ya nito hinayaan na s'ya ang makipag-usap sa lalaking nurse sa hindi n'ya malamang dahilan. At ang nakikita n'ya lang na maaaring dahilan ay dahil sa lalaki ang nurse. At ano namang masama don? Wala naman s'yang maling ginagawa ah. Konti na lang talaga iisipin n'yang may gusto sa kanya si Christian at nagseselos ito. Pero malabo naman yong mangyari dahil sa libro at sa tv n'ya lang nakikita at nababasa na nagtagpo at nagkatuluyan ang isang langit at ang isang lupa. Makapal man ang mukha n'ya para isipin yon pero yon ang nakikita n'ya sa mga ikinikilos at pagiging possessive ni Christian pagdating sa kanya... ***** "Magandang araw din po," "Sa inyo din po," "Sa iyo din," yan ang mga ganting bati ni Danica ng makarating sila sa Hacienda. Panay ang pagbati ng mga trabahador sa kanila pero tanging si Danica lang ang bumabati sa mga ito pabalik na ikinaiinis ni Christian. Lalo na kapag lalaki ang bumabati dito at idagdag pa ang pagngiti ng dalaga na lalo n'yang ikinaiinis dito. "What I told you about sa pagngiti mo sa ibang tao kanina?" seryosong wika n'ya habang naglalakad sila. Bakas sa mukha at boses n'ya ang pagkainis dito. "Eh sabi mo naman ayos lang pag kilala ko. Eh mga kilala ko naman sila kaya ayos lang di'ba?" inosenteng anas nito. Sabagay tama naman ito. Pero hindi n'ya lang talaga maiwasang mainis lalo na sa mga lalaking alam n'yang nagpapa-cute lamang sa dalaga. At teka lang, bakit nga ba s'ya naiinis? Wala naman s'yang karapatan sa dalaga dahil kinuha n'ya lang ito as his maid. Damn! But she's mine. Siguro naman sapat na yon para magsel— I mean mainis ako sa mga lalaking nagpapa-cute sa kanya di'ba? At papano mo naman sya naging pagmamay-ari? She's not even your girlfriend at wala kang pinanghahawakan na iyo talaga sya? Basta she's mine.. only mine. Napailing s'ya dahil para s'yang baliw na nakikipagtalo sa sarili. At huli na ng malaman n'yang wala na ang dalaga sa tabi n'ya. What the! Saan yon nagpunta? kunot noong tanong n'ya sa sarili at nagsalubong ang kilay niya ng marinig ang tawa ng dalaga sa kubong hindi kalayuan sa kanyang pwesto. Kasama nito ang ilang tauhan nila na kasalukuyang nagpapahinga at ang mas nakapag-painit ng ulo niya ay may katabi itong lalaki at kung magtawanan ang mga ito ay halatang sobrang close ang dalawa sa isa't-isa. Seryoso ang mukhang lumapit s'ya sa kubo at ng makita s'yang papalapit ay bigla ang mga itong tumahimik. Lumapit s'ya sa pwesto ni Danica at sa pagitan mismo nito at ng lalaki s'ya umupo. Bastos na kung bastos, isip bata na kung isip bata. Basta ang sa kanya ay sa kanya at hindi n'ya hahayaang kahit na dulo ng daliri nito ay mahahawakan ng iba. Kanya lang si Danica, kanya lang... "Bakit mo ako iniwang mag-isa don?" bulong n'ya sa dalaga at bahagyang ipinalibot ang braso sa bewang nito ng walang ibang nakakapansin. Ramdam nya ring natigilan ito at naiilang na hindi makatingin sa kanya. "Eh kasi naman para kang baliw na nakatigil habang nakatulala don. Parang ang lalim ng iniisip mo kaya umuna na ako dahil nakita ko itong ilan sa mga kapitbahay kong nagttrabaho pala dito," wika nito bago ipinalibot ang tingin sa mga kasama nila. At tumikhim sya ng makitang nakatutok ang mga mata ng mga ito sa kanilang dalawa ni Danica. Lalo na ang lalaking katabi n'ya ngayon at alam n'yang nakikita nito ang kamay n'yang nakahawak sa bewang ng dalaga. Sinadya n'ya yon para makuha nitong pag-aari n'ya ang dalaga. "Kumusta ang trabaho n'yo dito?" seryosong wika n'ya na kumuha ng atensyon ng lahat. "Maayos naman, Sir. Wala naman pong nagiging problema at malakas pa rin ang ani ng mga prutas at gulay. Malulusog naman po ang mga alagang hayop at walang nagkakasakit.." wika ng nakakatanda doon na ikinatango n'ya. "Good. Next week may gaganaping kasiyahan katulad ng nakagawian. Bilang pasasalamat sa magandang ani at bilang pasasalamat na rin sa maganda n'yong trabaho. At asahan n'yong darating ako. Kayo na ang bahala sa lahat at gawin n'yo ang dapat na gawin. Walang problema yon sakin at sabihin n'yo lang kung may kailangan kayo o kung may kulang pa," wika n'ya na ikinasaya ng lahat ng tauhan n'ya. Kasama na doon si Danica dahil kahit hindi trabahante sa Hacienda ay pwedeng dumalo at makisalo sa gagawing kasiyahan. Nakasanayan at nakagawian na kasi na sa twing maganda ang ani ay may thanksgiving na magaganap at yon ang kauna-unahang bilin sa kanya ng Mom and Dad nya bago sya umalis. Kahit naman hindi s'ya pumupunta dito sa Isla noon ay alam n'ya ang nangyayari dito sa Hacienda dahil minsan s'ya rin ang namamahala dito. Yon nga lang, may ipinapadala lang s'yang mapagkakatiwalaang tauhan para ito ang magbisita at maghihintay lang s'ya ng report galing dito. "Salamat po, Sir.." pasasalamat sa kanya ng mga ito na  tinanguan n'ya lang bago nagpaalam. "Mauuna na kami. Kayo na ulit ang bahala dito sa Hacienda. Basta ireport n'yo lang agad sakin kapag nagka-problema kayo dito," wika n'ya bago tumayo para umalis. Sumunod naman sa kanya ang dalaga hanggang sa makasakay sila ng sasakyan at nagbyahe pabalik sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD