CHAPTER 2

1380 Words
An evil smile was etched on Atarah’s face. Nakaupo siya sa bar stool, hawak ang wine glass, habang titig na titig kay Zen Montaner. In person, he looked a thousand more unaccommodating. Parang hindi ito malapitan. He was just sitting in one corner, drinking alone. Kanina pa niya ito pinagmamasdan at hindi na niya mabilang kung ilang babae na ang tinanggihan nito. Zen was simply not interested. So, why was he in a place like this? Muli siyang ngumiti. Kung siya ang lalapit dito, sisiguruhin niyang hindi ito tatanggi. No one says no to Atarah Ada. Inubos niya ang natitirang laman ng hawak na wine glass at inayos ang damit. He pulled up her dress making it an inch shorter, emphasizing her legs that seemed to flow forever. She flipped her hair then walked confidently towards Zen. Napatitig sa kanya ang binata nang tumayo siya sa harapan nito. “Hi, Zen!” Tumaas lang ang mga kilay nito pero hindi nagsalita. She was a little disappointed. Hindi man lang ba ito nabighani sa ganda niya? Siya si Atarah Ada. She was born to make men go crazy and drool! He was supposed to feel ecstatic that she approached him first! “Can I sit here?” turo niya sa espasyong malapit sa inookupa ni Zen. “I preferred to be alone, Sweetheart.” Walang lambing sa tinig nito. He even said the word ‘sweetheart’ as if it was synonymous to ‘little girl.’ Nairita siya. Kahit anong pigil ay kusang tumikwas ang kanyang mga kilay. “And I said I want to sit here.” Bago pa ulit makapagsalita ang binata ay naupo na siya. The man was obviously surprised at what she did. Puno ng paghahamon ang mga mata niya nang titigan niya sa mga mata si Zen. “Excuse me,” anito. Inagapan niya ito sa braso. “Where are you going? Kakaupo ko lang, ah.” “I need to use the toilet,” he said detachedly. “Tatakasan mo ba ako?” “I wouldn’t, Atarah. I know you. Kung tatakas ako, hahabulin mo pa rin ako.” Nagulat siya na kilala siya nito. A smile curved her lips ever so sweetly. Good. Kilala naman pala siya nito. Baka nga may gusto pa ito sa kanya. And maybe he was just playing hard to get. Everybody knows Zen Montaner. Napakailap nito. And everybody knows her too. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya. They would make the perfect couple. Kampante siyang naupo sa couch. Someone in uniform offered a glass of wine. Waiter, she thought to herself. Tinanggap niya iyon. Iinumin na sana niya nang makita niyang may kausap na babae si Zen malapit sa counter. Mabilis ang pagbangon ng galit sa dibdib niya. Tatayo na sana siya nang may magbulong sa kanyang tainga. “Mix this in his drink and he will be yours.” Mabilis ang mga pangyayari. Someone put a pill on her palm and that someone disappeared into the crowd. Pero hindi na naalis sa isipan niya ang sinabi nito. Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano iyong inabot ng kung sino sa kanya. She was desperate. Inisang lagok niya ang inuming ipinatong kanina sa mesa at tinawag ang isang waiter. Nag-order siya ng inumin at doon niya hinalo ang pildoras. Pagkatapos ay itinuro niya si Zen na nakatalikod sa kanya. “Give this to that man and make sure he drinks this. Ikaw ang mananagot sa akin kapag hindi niya inubos ito,” pasulpada niyang sabi na may halong pagbabanta. _____ GUMALAW si Atarah. Napaungol siya. Masakit ang katawan niya. But it was the thing between her thighs that hurt the most. She was sore! Kahit na spoiled brat siya ay hindi naman siya pakawalang babae. She allowed her boyfriends before to kiss and touch her. Pero hindi sila umabot sa pakikipagtalik. She looked as though she was active sexually but she was not. Akala ng mga tao por que palagi siyang nasa mga parties ay kung kani-kanino na lang siya sumasama. She was always with a chaperone. Naghihintay ang bantay niya palagi sa kotse. Kagabi lang siya nakatakas dahil isusumbong siya ng chaperone sa daddy niya kapag nalaman nitong nagpunta siya sa isang b**m club. Biglang kumirot ang kanyang sentido. “s**t! Manang Dorin, I need my ginger tea!” sigaw niya, pikit pa rin ang mga mata. Nang walang sumagot ay doon na siya nagmulat ng mga mata para lang masilayan ang hindi pamilyar na lugar sa kanya. Nang bumaba ang tingin niya sa sarili ay halos mapasigaw siya nang makitang wala siya ni isang saplot. She was naked! May mga marka ng kagat at halik ang buo niyang katawan. Mostly on her tummy, chest, shoulders, and inner thighs! “Oh, no, no no!” Noon niya lang din napansing nakaposas ang kaliwa niyang kamay sa headboard ng kama. “No!” she screamed, almost choking in panic. Ano ang nangyari kagabi? Kabadong tumitig siya sa kabuuan ng silid. Walang senyales na may iba pang tao roon maliban sa kanya. She was alone in bed. Wala ring tao sa banyo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para alalahanin ang naganap nang nakaraang gabi. She remembered telling the waiter to serve the drink to Zen. Pagkatapos ay ininom niya ang sariling inumin at unti-unti nang lumabo ang paningin niya. So, she was with Zen! May nangyari ba sa kanila? But… May isang mukhang nagsusumiksik sa isipan niya. It wasn’t Zen’s face. The face was handsome but it looked blank. In his eyes, she saw pure lust as he took her again and again. Napanganga siya nang parang nananadyang bumalik sa alaala niya ang mga eksena nang mga nangyari. Naalala niyang halos sirain na nila ang damit ng isa’t isa. Wala sa loob na napatingin siya sa damit na nakasampay sa backrest ng couch. Gosh, mukha iyong pinunit ng pusa. Her boots were scattered on the floor. Ang underwear niya ay nasa dulo ng kama. Ang bra niya ay nakasabit sa doorknob ng banyo. Napaigtad pa siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Nasa bedside lang iyon. Nakagat niya ang labi nang makita kung sino ang tumatawag. It was her father calling. Naramramdaman na niyang galit na galit ito. She touched the green phone icon then slid it to the right to answer the call. “Good morning, Daddy!” pinasigla niya ang boses kahit kabado siya. “Walang maganda sa umaga, Atarah Liberata Ada! Nasaan ka?” “I’m…” Lumingap siya sa paligid. Nasaan na nga ba siya? Nilingon niya ang headboard. Solid wood iyon at may nakaukit na letrang O sa gitna. Obtuse… She was still inside the club. Nasa isa sa mga kuwarto ng Obtuse. “Where are you, Atarah!” sigaw ng ama sa kabilang linya. “Daddy, you’re scaring me,” hikbi niya. Hindi siya madalas pagtaasan ng boses ng ama at pinagtataasan lang siya nito ng boses kapag nakakagawa siya ng gulo. What did she do this time? Was it because she flirted with Zen Montaner? Nakarating na ba ang bagay na iyon sa daddy niya? “Someone leaked a video file of you with a man doing more than just kissing in a b**m club!” Namutla siya. Nanginig ang kanyang mga kamay. “D-did you see my ass, daddy?” nakuha pa niyang itanong sa kawalan ng masasabi. “I did not! Hindi ko kayang panoorin ang kabuuan ng file na iyon!” Parang aatakehin sa puso ang ama niya sa lakas ng pagkakasigaw nito. Sa background ay dinig niya ang tinig ng ina na pinakakalma ang daddy niya. “You come home now!” “P-pero…” Nahihiya siyang sabihing hindi siya makaalis sa kama. “What!” “N-nakaposas ako, daddy.” Dinig na dinig niya ang malutong na pagmumura ng daddy niya. It was a good 5-minute profanity. “I’ll send your Yaya Dorin to collect you. Maghanda ka pagdating mo rito sa bahay! We have mobilized our connections and the files online have been taken down, pero isa pa rin itong eskandalo, Atarah, at hahanapan natin ng paraan para ayusin itong gulong ginawa mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD