Chapter Nine "S-SHINE.." Tumingin sa akin si Shine at saka nginitian ako ng plastik. Alam ko ang mga ganoong ngiti dahil ilang beses ko na iyan nakita noon pa.Hindi ako nagsalita. I maintained my poker face to hide all my feelings. Pero sino nga ba ang niloloko ko? Alam ko naman na hindi ako magaling magtago ng feelings. I'm a transparent person kung kaya't alam ko na hindi ko forte ang bagay na 'yon. "Don't you miss me?" Nakita ko ang taranta sa mukha ni Jasper ng yakapin s'ya nito, pero hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang sinabi n'ya kay Shine. "Of course i missed you." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagsabog ko. Marahas kong binitbit ang gamit ko palabas ng dressing room at saka naglakad palayo sa kanila. Naririnig ko ang pagtawag sa akin ng ilang staffs