Chapter Twelve NAPAHIWALAY kami sa isa't isa ng sandali namin marinig ang boses ni Manong. Mariin naman akong napapikit sa aking isipan at halos masampal ko na ang aking sarili dahil nagpauto na naman ako sa nararamdaman ko. Pinauna ako ni Jaz na umakyat sa pangpang at saka binigyan ng towel ni Manong. Ganoon din ang ginawa kay Jaz. "Ayos lang ba talaga kayo? "Opo Manong. Salamat po sa pagtulong." "Walang anuman. Hindi naman kayo ang unang magkasintahan na tinulungan ko na makaahon d'yan. Palagi na lang na may nahuhulog d'yan sa ilog na 'yan at madalas ay magkasintahan na may hindi pagkakaintindihan pero naaayos din naman agad dahil sa pagkakahulog nila sa tubig." Ako naman ang napamaang sa sinabi ni Manong. I was about to correct him pero hindi ako hinayaan ni Jaz na ma