bc

CADENA de AMOR

book_age16+
7
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
independent
confident
heir/heiress
sweet
bxg
humorous
lighthearted
small town
reckless
like
intro-logo
Blurb

Percess Bellefonte— isang elitistang tinakasan ang kanyang mundong ginagalawan. Nakakabulag na karangyaan ang sa kanya'y sumasakal. Kaya naman, baon lamang ang lakas ng loob at kaunting pera ay napadpad ito sa pook ng Cadena De Amor—lugar kung saan ang kanyang puso ay hindi niya inaasahang matatali at walang balak na makaalis pa.

chap-preview
Free preview
1
“PASENSYA ka na, ineng, wala pa kaming bakante sa ngayon. Mahina ang benta ng karinderya ko eh." Matindi ang sikat ng araw. Kahit hindi sadya ang pagkulubot ng noo ni Percess ay hindi niya maiwasan dahil na rin sa tumatamang init sa kanyang mukha. Hindi niya ininda iyon pagka't natural siyang morena at wala namang ipagbabago kahit magbabad pa siya nang matagal sa arawan. "Kahit babaan niyo na lang po ang pasahod, basta libre na lang ang pagkain." Muntikan na siyang ngumiwi nang lumabas iyon sa kanyang bibig. She felt so desperate. Para siyang pusang naliligaw sa kalye na naghahanap ng matutuluyan. "Naku, hindi ko na kayang magpasahod. Ito ngang boy ko, hindi ko pa nasasahuran dahil inuuna ko ang pagbabayad sa bumbay." Itinuro nito ang isang binatilyo na kasalukuyang nagsasandok ng ulam. Mukhang menor de edad at estudyante rin. Tumingin ang binatilyo sa kanya pagkatapos ay namumula ang mukhang yumuko. Bagsak ang kanyang balikat, nawalan na ng pag-asang magbaka-sakali pa. Tumama ang mga mata ko niya sa kanyang suot na boots, puro alikabok ito at may putik. Pawisan siyang nagpaypay sa leeg. Pati ang kanyang buong katawan ay nangingintab na rin sa pawis ngunit bigo pa rin siyang makahanap ng trabaho. Kahit tagahugas man lang ng pinggan sa isang eatery malapit sa labas ng kanyang inuupahang apartment. Pilit ang kanyang pagngiti bago nagpaalam sa may-ari ng karinderya. Puno ng frustration ang paglalakad niya. Doon niya ibinuhos ang inis. Ilang kilometro siyang nag-ikot upang makahanap ng trabaho pero ang hirap pa rin pala. Kung nasa Manila siguro siya ay mas magiging madali ang kanyang paghahanap. Umupo siya sa isang bakanteng bangko sa may tapat ng isang tindahan. Lumala ang init ng araw. Pakiramdam niya'y isa siyang karneng iniihaw. Nangiti na lamang siya sa pagkalam ng sikmura. Napapikit siya sa gutom. She groaned. She's tired and hungry. "Ate..." Nagulat siya nang may magsalita sa kanyang tagiliran. Iyong binatilyo sa karinderya. Pawis na pawis at hinihingal. Hinabol pala siya nito. "Bakit? May naiwan ba ako?" nagtatakang tanong niya. Mabilis niyang sinipat ang mga kagamitan, kumpleto naman. "N-naghahanap ka po ng trabaho di ba?" Habol pa rin ng binatilyo ang paghinga, binabalanse. "Siyempre naman. May alam ka?" Lihim siyang nagdasal na sana iyon nga ang dahilan ng paghabol nito. Pinakislap niya ang mata sa harapan ng binatilyo ngunit agad rin naisip na menor de edad ang batang nasa harapan. Baka nga high school student pa lamang ito. Muntikan na siyang mapatalon nang tumango ito bilang sagot. "Nag hahanap ngayon ng kahera ang minimart diyan sa kanto. Sa may tapat ng simbahan. Nag deliver ako ro'n kanina ng pagkain at nakapaskil na hiring sila." Lumawak ang kanyang ngiti na tumango. "That's good. Saan iyon banda?" Pinakinggan niyang mabuti ang pagdidikta ng binatilyo sa eksaktong address. Nagpasalamat siya rito at sinabing ililibre ito oras na matanggap siya sa papasukang trabaho. Agaran niyang tinahak ang lugar. Hindi naman pala kalayuan sa inuupahan niya. Hindi mahirap hanapin. Mas maganda at hindi na niya kailangan mag-aksaya ng pamasahe sa tuwing papasok sa trabaho. Makakatipid siya at makakaipon na rin. Hindi na niya kakailanganin pa ang tulong ng kahit sino. Bumungad sa kanya ang may kalakihan rin namang mini mart. Matayog ang pagkakapaskil ng ngalan ng shop sa itaas. Glass window ang wall at bakas sa itaas ang rolling up. Sinadyang itayo ang grocery store sa mataong lugar kaya naman makikita ang labas masok na mga costumer. Lumapit siya at binasa ang bond paper kung saan nakasaad ang pangangailangan ng naturang establishment ng cashier. Nakapaskil iyon sa glass door ng shop. Hindi na siya nagpatumpik pa at kaagad nagtuloy-tuloy sa pagpasok. She so desperate, really. Ngunit sa kabiglaan ng kanyang pagpasok ay isang galit na galit na lalaki ang nabungaran niya. Ibinato nito ang powdered johnson sa direksyon niya. Masiyado iyong mabilis kaya naman hindi na niya nagawang maiwasan pa. Tumama iyon sa kanyang mukha. Sunod-sunod ang kanyang pag-kurap nang masinghot ang tumapong pulbos. Marahas niyang naipukpok ang kamay sa dibdib. Hindi agad siya naka-recover sa pag-ubo. Maluha-luhang naipikit niya ang mga mata. Ano ba itong lugar na 'to? Bakit ang magkalat nang masamang vibe? Dito pa ata siya mamamatay. Segundo lang ang bibilangin may mga kamay na nag-abot sa kanya ng tubig. Agad niya iyong nilagok upang maginhaawan. Nagpasalamat naman siya rito nang hindi tiningnan kung sino ang nagmagandang loob na mag-abot sa kanya ng maiinom. Saka pa lamang siya nag-angat nang tingin nang humupa na ang gera sa kanyang dibdib. Bilugang mga mata agad ang sumalubong sa kanyang paningin. Nasa harapan niya mismo ngayon ang may katangkaran na lalaki, seryoso pero hindi na masiyadong galit tulad kanina. He is seriously magnifying her from head to toe. Kumbaga sa microscope, isang siyang species na dapat suriin at pag-aralan. "Sino ka? Anong kailangan mo? May appointment ka ba?" Mabilis ang panganganak ng mga tanong ng lalaki. He was indeed serious with a hint of irritation base on his forehead, ilang tupi kasi ang pagkakakunot at parang gusto niyang mag-suggest na plantsahin iyon. Hindi siya nakasagot agad dahil abala siya sa pag-aaral sa itsura ng ginoong nasa harapan. Medyo bastos ang pagkakatanong nito sa kanya at naiirita siya. Hindi sinuklay ang buhok ng lalaki pero parang naging natural na lamang ang istilo. Makapal ang kilay na sakto sa bilugang balintataw. Mahaba rin ang pilantik ng mga mata na parang may lahing indiano. Matangos ang ilong. Hugis pusong mga labi at parang marami ng dumamping roon. Masasabi niya na para siyang langgam kung titigan nito. Nahagip ng mata niya ang biglang pagngisi nito. "Miss, pipi at bingi ka ba? Tinatanong kita. Maiksi lang ang pasensya ko para ulitin pa ang tanong ko sayo." Napakurap muli siya. Saka niya lang naalala ang sadya rito. Ngumiti siya nang malapad at hindi ininda ang aroganteng pahayag ng lalaki. Inilahad niya ang printed bond paper sa harap ng malapad nitong dibdib. Muntik na siyang mapalunok ng mapagtanto ito. Naniningkit ang matang tiningnan nito ang papel. "What is this?" Wala man lang balak tingnan ang papel na nasa dibdib nito. "Interesado akong mag-apply bilang cashier dito sa store. By the way, I'm Percess Segundo." Pakilala niya na agad sa hindi tunay na apilyedo at saka kumuha ng kopya ng resume sa loob ng envelope na kasalukuyang hawak. "Here's my resume. You can check the other details about me. I have no any records. I'm clean and healthy. I need this job, please accept me." Why is it sounds like she's offering her precious virginity to him? "Pare, tanggapin mo na para naman hindi na kami pumipila rito nang matagal dahil kulang ka sa kahera!” Lumingon siya sa paligid. Napagtanto niya na puro lalaki ang nasa loob ng store. May hawak na alak ang mga ito habang nakapila sa iisang lane. Nagbalik tingin siya sa lalaking nakatayo pa rin sa kanyang harapan. He was still eyeing her. Madilim na parang may namumuong bagyo sa talukap ng mata nito. Marahil ay nasa signal three na nga iyon. "Tara sa opis..." malalim ang boses nitong wika. Tumaas ang gilid ng labi nito bago pumihit upang talikuran siya. Muntikan pa siyang mapasipol sa lapad ng likuran nito. May future ang ginoo. Matambok ang pwet at parang alaga sa ehersisyo. Bukas ang pinto sa opisina nang pinasukan ng lalaki. Bagay sa lalaki ang theme ng office nito, mayroong dark awra. Madilim kasi ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Prente ang pagkakaupo nito sa swivel chair kaharap ang gawa sa salamin ng mesa. Kanina lang ay duda pa siya kung ito nga talaga ang may-ari ng store pero ngayon tiyak niya na ito nga at wala ng iba dahil sa kumpiyansa ng pagkakaupo nito. "Paano mo nalamang nangangailangan kami ng tao?" tanong nito sa kanya nang tuluyan na siyang makaupo sa bakanteng upuan. "Hindi ba at nagpaskil kayo sa glass door ninyo?" It was an obvious answer but she wanted to use a sarcastic tone. Hindi niya sigurado kung tama ba ang sinagot niya pero alangan namang sabihin niya na iyong tutoy na taga-karinderya ang nag-tip sa kanya ng impormasyon. Nakita niya ang pag-igting ng prominenteng panga nito na parang nagpipigil. Oh, sabi na, 'di talaga siya sure e. "Look, Miss..." "My name is Percess, Sir,” mabilis niyang dugtong. "Yes, Miss Percess, unang-una ayoko ng pinipilosopo ako. Pangalawa, bigyan mo ko ng magandang rason kung bakit kita kailangan tanggapin?" She pouted her lips and thought for a while. Aside sa pagiging maganda, intelehente rin siya at may pinag-aralan. Nasa katauhan niya ang salitang beauty and brain. Ngunit hindi niya iyon sasabihin upang matanggap siya sa trabaho. Lowkey profile dapat ang kanyang pairalin. Tinakasan niya ang dating buhay kaya dapat ay matuto siyang makibagay bilang normal na personalidad sa lipunan. “Obviously, bukod sa kulang kayo sa tao, sir, ay ako lang ang nag-aapply rito ngayon. Mabilis akong matuto lalo na sa mga hightech niyong ginagamit dito sa store.” She really hope that was enough for him. Tumaas ang kilay nito senyales na naghihintay pa ng karugtong na sagot. “At ipinapangako ko na magiging isa akong tapat na empleyado sa inyo sir.” Bumaba ang kilay nito pagkatapos ay sinimulang pasadahan ang kanyang profile. “You have no work experience. Kahit isa ay wala.” Kinabahan siya. Hindi pa yata siya matatanggap dahil kahit isa ay sinadya niyang 'wag lagyan ng kahit anong karansan niya sa trabaho noon. Ano naman kasing ilalagay niya kung wala naman talaga? Ang malas naman. “Pero. . .dahil kailangang-kailangan namin ng kahera kaya naman tinatanggap na kita. Magsimula ka na bukas,” deklara nito na parang alat na alat sa sariling desisyon. Napatayo siya. Ang laki ng ngiti niya. “Talaga, Sir? Oh my God! Thank you!” sigaw niya. Hindi na siya magkakapaltos sa kakahanap ng trabaho. Napangiwi ito sa naging reaksyon niya. “Tanggap ka pa lang sa trabaho. Hindi ka pa sasahod at wala pang 13th month pay kaya 'wag ka'ng overreacting, Miss Percess.” Bumalik ang pagiging suplado nito. But it's okay. Atlis, isa na siyang ganap na tao dahil may trabaho na siya. Tumayo ang lalaki. May tinawag itong ngalan ng babae na kaagad namang pumasok sa opisina. “Ano 'yon, Sir?” ani ng babaeng bagong dating. “Rose, paki-orient ang bagong kahera natin. Bukas na siya magsisimula. Ikaw na ang bahala dito sa store at pakiusap, ayoko nang maulit ang nangyari kanina. Kilala niyo naman ako magalit? Aalis na ako.” “Sir, saan po kayo pupunta? Baka sakali lang po na may magtanong," ani ng babaeng Rose ang ngalan. “Mag-iikot sa ibang branch.” “Kopya, Sir,” maagap na tugon ng babae. Saglit namang sinipat si Percess ng lalaking amo bago ito lumabas sa pinto. She smiled at him ngunit wala siyang nakuhang response kundi ismid mula sa supladong lalaking boss na hindi man lamang nagpakilala sa kanya. Napangiti siya. Mukhang magiging interesante ang kanyang simpleng buhay sa lugar na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
96.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.9K
bc

His Obsession

read
74.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook