bc

What Lies Upon in Catalonia

book_age18+
79
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
possessive
sex
opposites attract
powerful
witch/wizard
mystery
witchcraft
wild
like
intro-logo
Blurb

(R-18) In a forest called Catalonia, there is a witch who lives with her only daughter. Because of people’s belief that the forest was cursed by a witch, no one dares to enter. One night, the people attack the forest and killed the mother. Mortisia, the daughter, promised to make everyone pay.

chap-preview
Free preview
kabanata 1
“Sigurado ba kayo rito?” tanong ni Sawyer sa mga kasama niya habang nakatayo sila sa harap nang tinatawag ng karamihan na Catalonia Forest; ang kagubatan kung saan pinagbabawalan ang lahat ng tao na pasukin. Ayon sa bali-balita ay may nakatayo rito na isang bahay na may nakatira na isang witch, ang sabi ng mga matatanda ay ito raw ang nagdadala ng kamalasan sa lugar nila. Kalat din sa buong lugar nila na ang lahat ng pumapasok sa gubat na iyon ay hindi na muli pang nakakalabas. Kaya’t may mataas na pader na harang ito upang hindi pasukin ng mga kabataan, ngunit inakyat nila ang pader upang makatawid sa kabilang bahagi. Ngumisi si Ruben at bumaling sa kaibigan. “Natatakot ka ba, tol?” “Hindi naman sa gano’n, pero paano kung totoo pala ‘yung sinasabi ng mga ninuno natin?” “Ngayon natin malalaman,” sabi naman ni Aspen at nauna nang pumasok sa loob ngunit hinila siya pabalik ng girlfriend na si Diana. “Babe! Natatakot ako!” Inis na hinarap ito ni Aspen. “Diana naman, sinabi ko na kasi sa’yo na huwag ka nang sumama pero nagpilit ka!” “Hindi ko naman akalain na ganito!” Tinuro nito ang madilim na kagubatan. Kahit alas tres pa lang ng hapon ay kitang-kita ng madilim sa loob dahil sa makakapal na dahon ng puno, may mga ilang puno rin na bumagsak na mukhang magpapahirap sa kanila na daanan. Bukod doon ay wala na silang makita pang iba dahil sa dilim na idinudulot ng makakapal na puno, idagdag pa ang nakakakilabot na hangin. “Maghihintay ka na lang dito?” tanong niya at binitawan ang kamay ng girlfriend. “Sige, dito ka muna. Babalik kami agad.” “No!” Kumapit ito sa braso niya at nagbuntong-hininga. “Sasama na ako..” “Good.” Ngumiti siya at nilingon ang mga kaibigan. “Tara na—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang nauna nang tumawid sa lubid si Kajel— sukbit sa balikat ang gitara nito. “Nagmamadali ka ba?” Natatawang sumunod si Ruben sa kanya. Tumawa siya at inayos ang kanyang gitara. “Para makauwi na agad, may gig pa ako ng alas sais.” “Pusang gala,” sambit ni Sawyer nang kilabutan siya pagka-apak niya pa lang sa linya, niyakap niya ang kanyang sarili at ngayon pa lang binuksan ang kanina pa niyang dala na flashlight. Iiling-iling na sumunod si Ruben, nakakatawa lang na kahit alas tres pa lang ng hapon ay kailangan pa nilang gumamit ng flashlight para makita ang daan. Napabuntong-hininga siya, hindi niya man inaamin ay alanganin siya sa gustong gawin ng mga kaibigan. Naniniwala kasi siya sa mangkukulam at kung anu-ano pa na engkanto, paano kung may makita nga talaga sila? “Hoy, pre. Talian mo na ‘yung mga puno! Baka mamaya ay maligaw tayo pauwi,” ani Aspen. Oo nga pala, bulong niya sa sarili. Kinuha niya sa bag ang tali na dinala niya, habang naglalakad sila ay tinatalian niya ang mga sanga ng puno na nadadaan nila. Matatayog ang mga puno, bawat pag-apak nila ay tunog ng mga tuyong dahon ang maririnig. Halata rin na hindi ito pinupuntahan ng mga tao dahil wala ni isang makikitang mga kalat. “Babe, natatakot talaga ako. Parang gusto ko na bumalik!” Kinagat ni Diana ang kanyang labi at humigpit ang pagkakahawak kay Aspen, agad naman na sumimangot ang binata. Tumawa si Sawyer habang kinukuhaan ng litrato ang paligid. “Sa tingin ko ay hindi naman totoo ang mga bali-balita, wala akong nararamdaman na kakaiba.” “Kahit na!” Inis na nilingon ni Aspen ang girlfriend. “Dapat talaga ay hindi ka na nagpilit na sumama.” “What? Tapos iiwan niyo ako mag-isa ro’n?” “Kaysa naman ganyan na nasisira lang ‘yung mood ko.” “Gano’n? Sige, bahala ka!” sigaw ni Diana saka bumitaw sa pagkakahawak kay Aspen, mabilis itong naglakad pabalik kung saan sila nanggaling. Napatigil sa paglalakad sila Kajel na nakasalubong nito, tahimik nilang nilingon ito nang malagpasan sila. Si Aspen ay napahilamos sa mukha at napamura ng maraming beses bago niya ito sinundan. “Kaya ayoko mag-jowa e,” ani Sawyer. “Sus, wala lang pumapatol sayo!” bulyaw ni Ruben. “Gago, anong akala mo sa’kin—” Napatahimik silang lahat nang makarinig sila ng kaluskos na nanggaling sa kung saan, mabilis silang lumingon-lingon sa paligid at nakiramdam. “Nawala sila Aspen,” sabi ni Kajel. Nanlaki ang mata nang dalawang kasama at bumaling sa kung saan dumaan ang magkasintahan, wala na nga ang mga iyon! “s**t, oo nga!” Mabilis silang naglakad pabalik, sinigaw ang mga pangalan nito ngunit walang sumisigaw pabalik. Tumigil sa paglalakad si Ruben habang nakahawak sa isang puno. “Bakit? Huwag ka nang magpahinga riyan, hanapin natin ‘yung dalawa!” Si Sawyer ang nagsalita, halatang kabado ito at hindi mapakali. “Nawala ‘yung mga tinali ko sa puno,” bulong ni Ruben ngunit narinig nila ito. “Paano nangyari ‘yon? Tinali mo ba ng maigi? Baka natanggal lang!” “Imposible, dinodoble ko ‘yung pagkakatali.” Dumiretso sa paglalakad si Kajel habang nagtatalo ang dalawa, kumunot ang kanyang noo bago nagsalita. “Natatandaan ko ‘to, nadaanan natin ‘to kanina.” Nakasimangot na sumunod si Ruben at Sawyer, nagtataka kung paano nawala sa mga puno ang mga tali. Mabuti na lang ay kasama nila si Kajel, noon pa man ay magaling na ito sa mga daan. “Hindi kaya’y napagtripan tayo ni Aspen at pinutol ang mga tali?” Nagdududang tanong ni Sawyer, nanlaki ang mata nito sa sariling naisip. Hindi nakasagot si Ruben. Nagdududa kasi siya sa nangyari, hindi naman basta-basta mapuputol ang tali na dala niya. Isa pa’y mahigpit ang pagkakatali niya sa mga ito, ‘di bale na lang kung may gunting na dala iyon. Nagsimula silang bumalik sa dinaanan nila habang sinisigaw ang pangalan ng dalawang kasama, ngunit kanina pa sila naglalakad ay wala pa rin. At ang mas nakakapagtaka roon ay kanina pa sila naglalakad pero hindi pa sila nakakalabas ng gubat  na iyon. “Pre, sigurado ka ba sa dinadaanan natin? Kanina pa tayo naglalakad, saglit lang tayong pumasok dito kanina.” Nakakunot ang noo ni Sawyer, pinunasan ang pawis na tumutulo mula sa noo. Tumigil sa paglalakad si Kajel at nilingon ang dalawang kaibigan, nakasunod lang ito sa kanya kanina pa. Hindi niya maiwasan na magbuntong-hininga bago nagsalita. “Ayoko lang sabihin kanina pa pero sa tingin ko ay ineengkanto tayo, ilang beses na tayong dumaan sa lugar na ‘to.” “s**t talaga,” untad ni Sawyer habang sinasabunutan ang sariling buhok. “Tawagan kaya natin ‘yung dalawa?” “Tulad ng inaasahan, walang signal.” Itinaas ni Kajel ang kanyang phone na sinundan ng tingin ng mga kasama, sabay na napasinghap ang mga ito. “Sino ba kasing nakaisip ng trip na ‘to?” “Ikaw,” sagot ni Ruben. “Sabi ko sa inyo ay totoo ang mga engkanto e, ayaw ninyo maniwala.” “Hindi ako ang nagyaya nito,” depensa ni Sawyer. “Ikaw nga, no’ng nakaraang linggo mo pa ito sinasabi sa’min.” “Oh, bakit kayo pumayag? Gusto niyo rin kasi!” “Edi kasalanan pa namin?” Tahimik na nanonood lang si Kajel sa dalawang kaibigan, nag-iisip kung anong dapat gawin para makaalis sila sa sitwasyon na iyon. Kanina niya pa napapansin na may kakaiba sa paligid, pakiramdam niya’y may nagmamasid sa kanila. Talaga ba na may nakatira rito? tanong niya sa sarili. Sa totoo lang ay hindi siya masyadong naniniwala sa sinasabi ng mga tao, pero hindi rin niya inaalis sa isip niya na posible ito. Maaaring normal na tao lang din ang nandoon sa gubat na iyon at hindi mangkukulam. Pero ano ang ibig sabihin ng nangyayari sa kanila ngayon? Mabilis siyang napalingon sa kaliwang bahagi ng puno nang makaramdam siya nang parang may humihingang tao malapit sa mukha niya, matagal siyang napatitig sa gawing iyon. Ngayon naman ay pakiramdam niya’t nakikipagtitigan siya sa isang tao kahit na wala siyang nakikita. Napaayos siya sa pagkakatayo habang hinahaplos ang magkabilang braso, nakaramdam kasi siya ng kilabot. Napalingon siya sa mga kasama niya na nakatingin na pala sa kanya, pinapanood siyang matulala. “Bakit, pre?” tanong ni Ruben. Mabagal na umiling lamang si Kajel at magsisimula na dapat maglakad nang magulat siya na paglingon niya sa dadaanan nila ay nandoon na si Diana at Aspen, nanlalaki ang mga mata na pinagmamasdan silang tatlo. Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Bigla na lang lumitaw ang mga ito, sa mismong pwesto kung saan biglang nawala ang dalawang ito kanina. Anong nangyari?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook