PAGLABAS ni Zoe ng kuwarto kinabukasan ay nakita niya si Ethan na nakaupo sa sala. Pero nang makita siya ay kaagad itong tumayo at pumunta ng kusina. Ni hindi man lang siya tiningnan. Napasimangot ang dalaga. Hindi na talaga niya maintindihan si Ethan! Kagabi lang ay mainit silang nagsalo. Pero heto ngayon at balik na naman ito sa pande-deadma sa kaniya. Ganoon ba talaga kalaki ang galit nito sa natuklasan sa kaniya? Susuyuin ba niya ito o papatulan? Nakita niya na nagtitimpla ng kape si Ethan at sinundan niya ito. Sinadya ni Zoe na tabihan ito. "Ipagtimpla mo rin ako, please." Bandang huli ay nanaig sa kaniya ang una. Ayaw niyang umalis sa bahay nito na magkagalit silang dalawa. "Marunong ka nang magtimpla at okay naman ang kamay mo. Kaya bakit pa kita ipagtitimpla?" "Medyo masakit