Chapter 16

3053 Words

NATIGILAN si Zoe nang pagpasok nila ng kuwarto ni Ethan ay halos kalahati lang ng kaniyang kama sa mansiyon nila ang higaan na naroon. Pero hindi maipagkakailang maayos iyon at malinis. Kahit ang buong paligid ng kuwarto ay wala ring makikita na kahit anong kalat. Maayos na nakasalansan ang mga bagay-bagay. Mabango rin at walang kahit anong amoy na hindi magandang singhutin, lalo na sa katulad ni Zoe na sanay sa kalinisan. Mukhang makakatulog siya nang maayos sa unang gabi niya roon. I bet on that! sigaw ng atribida niyang isip. Tuloy-tuloy na naglakad si Ethan pabalik at isinara ang pinto ng kuwarto. Nasundan ito ng kaniyang mga mata. At habang tinitingnan niya ang malapad nitong likod, kasabay niyon ay ang takot na bumundol sa dibdib niya. Parang natilihan sa pagkakatayo si Zoe. F

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD