Chapter 43

3448 Words

KINABUKASAN ay maagang nagising si Zoe dahil sisimulan na niya ang paghahanap ng trabaho. Iyon muna ang gagawin niya. Saka na siya magtatayo ng negosyo kapag may malaki na siyang puhunan. Kailangan niyang agahan dahil wala na siyang sariling sasakyan. Hindi pa niya kabisado ang pagko-commute dito sa Pilipinas. Ayaw na niyang abutin ng ilang oras sa pag-aabang lang ng taxi, katulad kahapon nang pumunta siya sa school nina Zhang at Qui. Gusto sana niyang mag-jeep para makatipid. Pero natatakot pa siya. Baka MRT o LRT siguro muna ang pag-aaralan niya. Paglabas ni Zoe ng banyo ay siya namang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya. Nagulat siya nang pumasok doon si Ethan. Mukhang bagong ligo din ito. Naka-cargo shorts lang ito at walang suot na pang-itaas. Para itong nagmo-model nang suklayin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD