CHAPTER 2

1075 Words
THERESE'S POV       PARE-PAREHO kaming course ng kinuha sa college— ang Bachelor of Arts in Fashion Design and Marketing. Ayaw kasi naming sundan ang yapak ng family natin dahil gusto naming tumayo sa sarili mga paa. What I mean is, gusto naming maiba, ayaw namin nang may katulad sa kursong tinapos sa pamilya. Atsaka, pare-pareho rin naming gusto ang fashion, doon kami mas nagkakasundo. Matapos ang pag-uusap naming iyong sa Cafè ay dumiretso kami sa isang malapit na Mall, doon nagsalita si Suzy at nagkuwento tungkol sa kanilang dalawa ni Nathan. Nakilala niya raw ito sa isang business meeting dahil sinama siya ng Kuya niya roon. Her brother is a businessman too, kaya nagkakilala sila ni Nathan. Kilala na rin ito ng Kuya niya. Ang mom at dad niya na lang ang hindi pa. Base sa kuwento ni Suzy ay boto raw ang kuya niya para dito, dahil nga pareho silang nasa line ng business. And I'm sure, kung tutuloy man 'to si Nathan sa pagpapakilala sa parent ng kaibigan ko, sa tingin ko'y papasa na siya. Hindi naman kasi sobrang strict ng parent ni Suzy unlike Ciara, kahit pa nasa politika sila, hindi ito kakakitaan ng pagiging corrup or mapagsamantala sa kapangyarihan. When it comes to politician kasi, halos lahat, ganid sa pera. Pero hindi sila, kasi mayaman na sila, bago pa maging politician. Ang lagi nilang sinasabi sa amin, aanhin daw nila ang pera ng bayan, e, mas malaki pa raw ang kinikita ng pamilya nila sa iba't ibang business kaysa sa sahod sa pulitika. Kung hindi nga lang daw nila mahal ang mga taong mahihirap, hindi raw sila sasabak sa ganoong posisyon lalo pa't sobrang stress daw ang nakukuha. Ganoon kaganda ang ugali ng pamilya Cuenca... ang family ni Suzy. Ilang oras pa ang tinagal namin sa Mall at napagpasyahan naming umuwi dahil hapon na. Doon na rin kami kumain ng tanghalian. Today is sunday, kaya malaya akong nakakalabas. Tapos na rin naman kami sa pag-aaral, pero kapag weekdays kasi, open ang sarili kong dress botique na ako mismo ang nagdedesensyo. Araw-araw ay nandoon ako para mag-manage. Wala kasi akong kinuha na store manager dahil gusto ko, ako ang nakakaalam ng lahat. Hindi dahil sa strict ako, kun'di gusto ko, magaganda ang kuwalidad at serbisyo namin. Ayokong madungisan ang pangalan ko nang dahil lang sa ganito. Pagkarating sa bahay, naabutan kong naglilinis ang mga kasambahay, tila aligaga sila at nagmamadali. Ano'ng mayro'n? "Magandang hapon, Senyorita. Pinapasabi po ng inyong ama na magpahinga po kayo agad at magbihis kapag alas-sais na. May darating daw pong bisita," saad ni Mama Rowena, ang aming mayordoma. "Nasaan ang Papa?" tanong ko sa kaniya saka inilibot ang paningin sa buong bahay. "Narito ako, anak." "Papa!" Nakita ko si Papa sa terrace ng ikalawang-palapag nitong bahay, agad akong umakyat ng hagdan at sinalubong siya ng mainit na yakap. "What's the occasion?" Ngumiti siya sa akin pagkakuwan saka inilalayan ako papunta sa kwarto. "Later, you'll see." Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Hinatid niya lang ako sa pinto ng kwarto at mabilis na hinalikan sa aking noo. Saka siya umalis patungo sa sarili niyang silid. Bagaman nagtataka ay sinunod ko na lang si Papa, alas-tres pa lang ng hapon kaya minabuti kong ipahinga ang katawan ko. Binuksan ko ang Television saka itinodo ang volume nito. Ayos lang naman kung dadagundong ang tugtog dahil soundproof naman ang kuwarto ko. Hinubad ko ang hindi kataasang heels saka sumampa sa kama. Agad kong ini-relax ang sarili ko saka nakinig lang ng balita. Kung ang ibang teenager katulad ko ay walang pakialam sa balita, puwes ako, mayroon. Papa raised me well, what do you expect? Pero hindi dahil kay Papa kaya ko mas gustong manood ng balita kaysa teleserye, mas may pakialam kasi ako sa mundo kaysa sa mga tao. I don't effin care about showbiz. I don't mind their business. Actually, I'm quite confuse 'bout having an interview with an artist. The hell I care! Interviewing them won't feed poor people. Knowing their relationship status won't make the ozone layer better or even change the lifestyle of the criminals. What a bunch of sh't. Wasting their time idolizing people who only care about their reputations, money and fame. That sucks. I closed my eyes to feel the voice of the reporter nguniy agad akong napabalikwas ng bangon sa narinig kong balita. Patuloy pa rin ang paghahanap kay Ross Mclin Sacueza. Anak ng dating senador na si Henry Sacueza na kasalukuyang nakaburol ngayon sa Manila Chapel. Kuwento ng saksi, nakita niyang pinatay ng binata ang amang si Henry nang masaksihan ang pagtataksil nito sa kaniyang Ina sa kilalang hotel sa Maynila. Dagdag pa nito, sinubukang awatin ng mga staff ng hotel ang nagwawalang si Ross ngunit huli na dahil nakapasok ito sa kuwarto ng biktima. Agad itong pinagsasaksak kasama ang naabutang babae. Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, huling nakita si Ross sa kaniyang inuupahang condominium." Wala pa rin pa lang update sa pagkamatay ni Sir Henry. Tatlong araw na simula nang pumutok ang balitang pinatay ito ng sariling anak. Bunsong anak ng mag-asawang Henry at Eliza si Ross. Sa katunayan, ito ang pinakamalapit sa ama, kaya hindi ko makita ang dahilan para patayin niya ito dahil lang sa nambabae si Sir Henry. Well, hindi ko pa naman nami-meet si Ross. At ayoko siyang makilala. Duh? "SENYORITA! SENYORITA!" Nabalikwas ako nang bangon nang marinig ang sunod-sunod at malalakas na katok sa pinto. Natunghayan kong bukas pa ang television nang bumangon ako. Nakatulugan ko na pala ang panonood. Tumungo ako sa pinto saka binuksan iyon. Naabutan kong humahangos at bakas ang pagkataranta sa mukha ni Mama Rowena. "Ano pong nangyari?" Nag-aalala kong tanong. "Senyorita, hindi na po tuloy ang okasyon na hinahanda ng inyong ama. Nagmamadali ho siyang umalis kanina suot ang kaniyang uniporme." Hindi pa rin nawawala ang pagkataranta sa kaniyang mukha. "Kumalma po kayo, Mama. Baka po may kailangan lang si Papa sa quarters nila." "Tumawag po ang Don, senyorita. Pinapupunta ka po sa kanilang opisina." "You mean..." "Opo, senyorita. Doon nga po." Bakit ako papapuntahin ni Papa sa opisina ng mga matataas na ranggo? Naaalala ko na ang una't huli kong punta roon ay noong seventeen years old ako. Ako ang pinaghawak niya ng misyon tungkol sa case ni Mr. Mark Lim, isang chinese druglord. Ginawa nila akong asset para mahuli ang chinese na iyon. May kinalaman na naman kaya sa isang kaso kung bakit niya ako pinapapunta? Kaninong kaso naman kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD