"OH! s**t! Ano ba 'yan." Nang pagkalabas ko sa elevator at biglang nasira ang paper bag na dala ko. Laman nito ang mga pinamili ko sa grocery store. Lumuhod ako sa sahig na marmol para pulutin ang mga nagkalat na mga gulay. "Are you okay miss? Here, I can help you." Saad nang isang boses na kararating lang sa harapan ko. "Salamat." Ani ko pagkatapos ay tumayo para ayusin ang sarili at mga dala ko. "Kara?" saad nito. Napatingin naman ako sa kaniya nang banggitin niya ang pangalan ko. "Oh! It's you again. Hi." Nakangiting bati nito sa 'kin. "Hi. Ikaw pala. Cross, right?" Tanong ko sa kaniya. "Yeah. I can help you. I can carry your groceries." Anito saka kinuha sa 'kin ang dala ko. "Salamat. Nabutas kasi 'yong paper bag kaya nahulog." Paliwanag ko sa kaniya. "I see. Saan ba band