"KARA?" sambit ng asawa ko nang pag bukas ko sa pinto ng kaniyang opisina ay ako ang bumungad sa kaniya. Malapad ang pagkakangiti kong nag lakad palapit sa kaniya. "Hi babe." Bati ko at hinalikan ko siya sa labi niya nang makalapit ako sa kaniyang puwesto. Umupo ako sa kandungan niya. "What are you doing here? Hindi mo naman sinabi na pupunta ka, sana sinundo na kita." saad nitong nakangiti sa 'kin pagkuwa'y mabilis na ipinulupot sa baywang ko ang kaniyang mga braso. Mayamaya'y napatingin naman ito sa likuran ko kaya napasunod ang tingin ko roon. Nakita ko 'yong babaeng 'yon, nakatayo sa gitna ng pinto at nakapamaywang habang nakataas ang kilay sa 'kin. "A, Princess, this is Kara my wife." Pakilala sa 'kin ni Melfoy sa babaeng maarte na 'yon. Umirap lang ito. Mas lalong lumipad sa er