"ANAK, kain ka na." Napalingon ako sa pinto ng kuwarto ko nang marinig ko ang boses ni mama. Nakatayo ito roon. "Mamaya na lang po ma. Wala pa akong ganang kumain." Malungkot ang boses na sagot ko sa kaniya saka muling ibinaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Ramdam ko ang pagpasok niya sa loob at umupo ito sa gilid ng kama ko. "Kara anak, ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos. Baka naman magkasakit ka na niyan." Nag aalalang saad nito sa 'kin. "Namimiss ko na ang asawa ko ma." Sa halip ay saad ko sa kaniya. Rinig ko ang pagpapakawala ng malalim na buntunghininga ni mama bago ito nagsalita. "Bakit hindi ka muna umuwi sa inyo at kausapin mo siya?" "Parang ang hirap naman po gawin no'n ma. Nasaktan po ako dahil sa ginawa niya." Tumayo ito sa kinauupuan niya saka lumapit