"YES ma'am, good morning po." Bati kay Ella ng guard nang makababa siya sa kaniyang sasakyan. "Good morning din. Dito ba nakatira si Kara Ignacio?" Tanong niya sa lalake. "A, opo ma'am dito nga po." Napangiti si Ella nang makumpermang dito nga nakatira ang sadya niya. Tinanggal nito ang suot na ray-ban at saglit na iginala ang paningin sa labas ng village. "Kaibigan ako ng asawa niya, gusto ko sana siyang makausap importante lang." "A, sorry po ma'am pero kaaalis lang po nilang mag-ina." "Gano'n ba? Mga anong oras kaya sila dadating ulit?" kunot ang noo na tanong nito. "Nako! Ma'am papunta po sila sa ibang bansa. Hindi ko po alam kung kailan ang balik nila. Pasensya na po at hindi na po kami puwedeng mag bigay ng ibang impormasyon sa pamilya nila." Anito sa dalaga. Nawala big