"MOMMY, I want this." Saad sa 'kin ni Katness habang ipinapakita nito ang box ng chocolate na hawak niya. Nasa grocery store kami at namimili ng stocks sa bahay. "Isa lang okay." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman ito saka inilagay sa push cart ang chocolate niya. Ganiyan siya kapag kasama kong mamili, panay kuha rin ng gusto niya. Pinapabayaan ko na lang kasi hindi niya naman sinasayang e! "Don't go farther anak okay." Saad ko nang bigla itong lumayo sa 'kin at umikot sa kabilang shelve. "I'm sorry." Hinging paumanhin ni Katness doon sa taong nakabangga niya. "Oh! It's you again." Napatingala naman ang bata sa lalakeng nag salita sa harapan niya. Napangiti pa ito nang makita at makilala kung sino iyon. "Hi mister Ice cream." Bati nito. Natawa naman ng pagak si Melfoy dahil sa p