CHAPTER 1

1219 Words
NAALIMPUNGATAN ako dahil pakiramdam ko may mga matang nakatitig sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata para lamang mapatda, magulat at muling matakot dahil sa taong nasa harapan ko. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang matamang nakatingin sa 'kin. Agad akong napaupo sa kama at lumayo sa kaniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong muli kong naramdaman ang pag iinit sa sulok ng aking mga mata. Ang puso kong pansamantalang nawala ang kaba kanina, ngayon ito nag uumpisa na namang dagsain ng takot at kaba. Pakiramdam ko tinatambol na naman ang aking dibdib. "Maawa po kayo sa 'kin. Please... pauwiin n'yo na po ako sa mama ko." Muli kong pag mamakaawa sa kaniya. Ngunit ilang segundo na ang nakalilipas ay gano'n pa rin ang reaction niya. Walang ekspresyon ang mukha at seryosong mga mata lamang ang nakatitig sa 'kin. "Please sir... nakikiusap po ako sa inyo. Hinahanap na po ako sa amin." Humihikbing saad ko habang yakap-yakap ang sariling mga tuhod at nag susumiksik na naman sa gilid ng pader. Kumilos siya at gumapang sa kama papalapit sa 'kin. Napasigaw na naman ako sa sobrang takot. "Huwag po. Parang awa n'yo na. Mama... Tulungan n'yo po ako." umiiyak na sigaw ko. Hinawakan niya ako sa kamay kaya nag pumiglas ako sa kaniya. Ngunit kakapirampot lang naman ang lakas ko kumpara sa kaniya na isang malaking tao. "Kara. Kara..." Tawag niya sa pangalan ko. "Please. Parang awa n'yo na po. Nag mamakaawa po ako sa inyo. Sir please. Tama na po. Pakawalan n'yo na po ako rito." Pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga anumang sandali dahil sa sobrang lakas ng pagtahip ng aking dibdib. Nanginginig ang aking buong katawan. Sobrang lamig ng aking sikmura dahil sa kaba at takot. "Kara listen to me. Hey! Look at me." Pilit niya akong hinawakan sa mukha ko at pinatitingin sa kaniya pero panay ang pagpupumiglas ko. "Ayoko po. Ayoko po. Tulong..." paulit-ulit na sigaw ko kahit alam ko naman na kahit anong gawin kong pag sigaw ay wala ring makakarinig sa 'kin. Namamaos na ako kakaiyak. Nanunuyo na ang mga labi ko maging ang lalamunan ko. "I won't hurt you Kara just look at me. Hey!" Saad niya sa mahinahong boses. Ramdam ko ang malumanay niyang paghimas sa pisngi ko. Unti-unti niya akong ibinaling sa kaniya nang hindi na ako pumalag. Wala rin naman akong magagawa, mauubos at masasayang lamang ang lakas ko. "Dont be afraid of me. I'm sorry. I promise I won't hurt you. I'm sorry Kara." Hinalikan niya ako sa noo at akma ng yayakapin pero itinulak ko siya ng malakas na siyang naging dahilan upang bumagsak siya sa kama. "Hayop ka. Lumayo ka sa 'kin." Sigaw ko sa mukha niya. "Pakawalan mo na ako. Nag mamakaawa ako sa 'yo." Mayamaya ay mabilis itong nagpakawala ng malalim na buntunghininga habang blanko ang ekspresyon ng mukha na tumitig sa 'kin. "'Im sorry but I can't do that Kara. You are mine. All mine Kara. Kaya wala ka ng magagawa. Ginawa kang pambayad utang sa 'kin ng mama mo. Kahit gustuhin ko mang pakawalan ka... I can't." Mabibigat na saad nito. Halos malaglag ang panga ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Ako ipinangbayad ng mama ko sa demonyong ito? Hindi totoo 'yan. Hindi. Hindi magagawa ng mama ko 'yan. Mahal niya ako kaya hindi niya hahayaan na malagay ako sa kapahamakan. Umiling ako ng sunod-sunod habang panay pa rin ang aking pag-iyak. "H-hindi. Hindi totoo 'yan. Hindi totoo 'yan." "I can proved it to you Kara. But for now you need to rest. Bukas tayo mag usap." Saka ito tumalikod sa 'kin at lumabas ng kuwarto. Naiwan akong mag-isa roon. Tigagal at hindi makapaniwala sa mga nalaman ko. Is he telling me the truth? "KARA. KARA." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses na 'yon na nasa gilid ko at tinatawag ang aking pangalan. Akala ko'y binabangongot na ako. Naroon na naman ang pag sidhi ng kaba at takot sa dibdib ko. Bigla akong napaatras sa gilid ng kama niya. "Hey! Easy. Wala akong gagawin sa 'yo na masama. Bumangon ka na para kumain. I know nagugutom ka na kasi hindi ka kumain kagabi." anito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Okay na ang mamatay ako rito dahil sa gutom kaysa naman makita ko ng habangbuhay ang mukha niyang demonyo. Nasusuka ako kapag siya ang nakikita ko. Diring-diri ako kapag lalapit siya sa 'kin. Naaalala ko parati ang mga kahayokang ginawa niya sa 'kin. Pati sa panaginip ko ay ramdam ko pa rin ang pag nanasa niya sa 'kin. Kung paano niya akong babuyin kahapon at kagabi. Kung paano niyang hawakan ang buong katawan ko. Mga hawak at haplos na bangongot na sa buong buhay ko. Tinig niyang nagiging mga alolong sa karimlan ko. Nakakapangilabot. "Ayokong kumain." Mariing saad ko sa kaniya habang nakatitig sa kawalan. Naramdaman ko na naman ang paglubog sa kabilang parte nang kama. Lumipat siya ng puwesto at lumapit sa 'kin. "Kara I know you are mad at me and—" "Tama ka! Galit ako sa 'yo. Galit na galit ako sa 'yo. Diring-diri ako sa pagmumukha mo. Isinusumpa kita. Sana mamatay ka na. Demonyo." Sigaw ko sa mukha niya na ikinabigla naman nito. Biglang nag iba ang templa ng hitsura nito. Tumayo siya at biglang umakto ang kamay niya sa ere para sana sampalin ako. Natakot ako at napapikit ng mariim at hinintay ang paglapat ng palad niya sa mukha ko. Galit siya at alam ko anumang oras ay sasaktan niya ako. Bigla na namang uminit ang sulok ng mga mata ko. Naninikip ang paghinga ko. Lumakas na naman ang kabog ng puso ko. Mayamaya'y ibinaba niya ang kamay niyang nabitin sa ere. Umupo ulit sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay. Mabilis naman akong pumiksi. "Huwag mo akong hahawakan." asik ko sa kaniya. "Kara... tumigil ka na kakaiyak. Kahit anong iyak mo diyan hindi na kita maibabalik sa mama mo dahil akin ka na." Tumingin ako sa kaniya na puno ng galit sa mga mata. "Kahit kailan hindi mo po ako magiging pagmamay-ari sir. Walang may nag mamay-ari sa 'kin kun'di ang sarili ko lang. Kaya po please, nag mamakaawa ako sa 'yo. Pakawalan n'yo na po ako rito." Umiyak kong sambit sa kaniya. Sunod-sunod itong nag pakawala ng malalim na buntunghininga pagkuwa'y tumayo sa kinauupuan niya. Naka pamulsa ito habang matamang nakatingin sa 'kin. "Bumaba ka na sa kusina at kakain tayo saka tayo mag uusap." Hindi ako umimik sa kaniya. Wala rin akong balak na kumain. Ang gusto ko lang ay makalabas sa impyernong bahay niya. Sa impyernong lugar na ito. "Kara I said go to the kitchen and eat. O gusto mo magalit na naman ako sa 'yo?" Mariing tanong nito sa 'kin. Nagtayuan na naman ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa klase ng titig niya sa 'kin at sa talim ng boses nito. Sa takot ko na saktan niya ay wala sa sariling napatango na lamang ako bilang tugon. Tumayo ako at nag lakad palabas ng kuwarto kahit ramdam ko ang panginginig sa mga tuhod at binti ko. Ramdam ko ang pagtitig niya mula sa likuran ko habang nag lalakad ako. Hanggang sa makarating ako sa kusina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD