CHAPTER 3

2294 Words
NAGISING ako kinabukasan na sobrang sakit ang buong katawan ko. Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Naalala kong bigla, wala pala ako sa bahay. Wala ako sa kuwarto ko kun'di nasa bahay ako ng isang demonyo. Wala sa sariling napabangon ako bigla para lamang mapagtanto kong wala akong suot ni isang damit, tanging nakatabing lamang sa katawan ko ay ang makapal na kumot. Kikilos na sana ako nang biglang kumirot ang parteng gitna ng mga hita ko. Napangiwi ako sa sakit. Gano'n na lamang ang pagluha ko nang bigla kong maalala ulit ang mga nangyari kagabi. Wala na. Nakuha niya na pala ako. At dahil na rin 'yon sa kagustuhan ng katawan ko kagabi. Hindi ako nakapagpigil at kagaya niya ay tinubuan na rin ako ng init at mapanlinlang na pakiramdam sa katawan. Pero kahit gano'n...dapat hindi pa rin sana ako nag padala. Dapat hindi ako nagpaubaya. Napahikbi na lamang ako ulit sa mga posibilidad na pumapasok sa isip ko. Sa aking muling pag iyak at paghikbi ay muli kong nasilayan ang taong kinasusuklaman ko. Ang taong may kasalanan kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Iniluwa ito nang pinto. "Kara..." Seryoso akong napatingin sa mukha niyang nakangit sa 'kin. Mayamaya'y biglang nag laho ang mga ngiti na iyon sa mga labi niya. "Hey! Whats wrong, Kara?" Tanong nito sa 'kin saka lumapit sa puwesto ko. Agad naman akong lumayo sa kaniya. Kagaya no'ng dati ay nag sumiksik ako sa gilid ng kama. "Please po pauwiin mo na ako sa mama ko. Nag mamakaawa po ako sa inyo. Nakuha n'yo naman na po ang gusto n'yo hindi ba? Parang awa n'yo na po sir." Pag susumamo ko sa kaniya sa gitna ng mga paghagulhol ko. Napatuon ang kamay nito sa ulo niya saka nagpakawala ng malalim na buntunghininga. "Kara, I told you already that I can't take you back home. You're mine now. So it's either you want to stay here with me or not, there's nothing to change. And besides, I-I thought you like what we did last night?" Malumanay na saad nito habang matamang nakatitig sa mga mata ko. Ramdam ko na naman ang muling paghapdi sa mga mata ko. Mga luhang wala na naman atang balak na humupa sa pagpatak. "Please po." "Kara please stop crying. Please. I can't see you crying." Tumingin ako ulit sa kaniya ng seryoso. "Then let me go home." "Kara..." tila nahihirapang saad nito. Tumingala ito saka muling nagpakawala ng mas malalim at mabigat na buntunghininga. "Get dress and go down stairs. You need to eat." Saka ito humakbang papalabas ng kuwarto. Bakit ba wala siyang awa sa 'kin? Kung ayaw niya akong nakikitang umiiyak, bakit hindi niya nalang ako palayain at iuwi sa bahay namin? Sa pagod ko kakaiyak. Muli akong nakatulog sa gilid ng kama. Muli lang ako nagising nang may maramdaman akong masuyo at magaan na kamay na humahaplos sa mukha at buhok ko. Napamulat akong bigla. "Shhhhh. I've been waiting for you down stairs. Hindi ka pa ba gutom?" Tanong nito sa 'kin habang sumisinghot. Hindi ko alam, sa pangalawang pagkakataon parang pakiramdam ko nawala ulit ang galit ko sa kaniya nang makita ko ang mga luha niyang nag uunahan sa pagpatak mula sa mga mata niya. Imbes na umalis, umatras at lumayo mula sa kaniya; nanatili akong nakahiga sa puwesto ko at hinayaan siyang gawin ang ginagawa niya. Bakit parang nakikita ko sa mga mata niya ang labis na paghihinagpis at kalungkutan? Wala akong mabakas na galit at pagnanasa sa mga mata niya sa mga sandaling iyon. Ibang-iba noong unang beses ko siyang makita. "S-sir?" Tawag ko sa kaniya sa nauutal na boses. "Melfoy. I'm Melfoy Ferrer." Saad nito at nagpakawala ng maliit na ngiti sa 'kin. Hinalikan ako nito sa noo ko saka ito yumuko at niyakap ako ng mahigpit. "Please Kara, don't leave me. I'm begging you. Ikaw nalang ang mayroon ako ngayon." Bulong nito sa punong tainga ko bago ako muling halikan sa buhok ko at pakawalan mula sa mahigpit niyang yakap at tumayo. "Go, take a shower. Get dress and go down stairs. Hihintayin kita." Saka ito tumalikod sa 'kin at lumabas ng kuwarto. Bakit gano'n? Imbes na muling magalit ako sa kaniya, bakit parang awa ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya kahit pa sabihing sobra ang kasalanan niya sa 'kin dahil sa mga ginawa niya? Dahil gutom na rin ako. Pinilit ko na lamang bumango sa kama saka pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nag bihis ako. Wala naman akong damit dito kaya kumuha ako ng damit niya sa kabinet saka nag pajama ako. Dahan-dahan pa akong naglakad papasok sa kusina niya. Mas lalo lang akong nagutom nang maamoy ko ang mabango at masarap na pagkain. Don't worry I can take care of your daughter. No. No, she's fine I think so. Yeah. No worries. Okay bye. Dinig kong saad niya. May kausap pala siya sa kaniyang cellphone. Humarap naman ito sa pintuan ng kusina kaya muling nag tama ang mga mata namin. "Nandiyan ka na pala! Come here Kara..." naglakad ito papalapit sa 'kin saka ako hinawakan sa kamay at inakay palapit sa lamesa. Pinaghila pa ako nito ng upuan bago siya umupo sa kaniyang puwesto. "I talk to your mom." aniya saka nagpakawala ng buntunghininga. "Kara, I told you last time na ibinigay ka sa 'kin ng mama mo bilang kapalit sa utang niya sa akin. And that's true. I don't know her reason why, but I do know the fact that you're mine now. I'm hoping that one day, kakausapin mo rin ako." malamlam ang mga matang nakatitig ito sa 'kin. Mayamaya'y huminto ito sa pagsasalita nang makita niyang nakatitig lang din ako sa kaniya. "Okay...let's eat first. May ipapakita ako sa 'yo mamaya." anito at nag simula na ring kumain. Nang hindi pa rin ako kumikilos sa puwesto ko, muli itong nag angat ng mukha at tiningnan ako. "Eat Kara." saad nito at ngumiti sa 'kin. PAGKATAPOS NAMING KUMAIN nakaupo pa rin ako sa aking puwesto habang siya naman ay abala sa pagliligpit nang mga pinagkainan namin at nag hugas din. Nakatingin lamang ako sa likod niya habang abala siya. Pinakikiramdaman ko ang bawat kilos niya. Gano'n din ang sarili ko. Wala na ba talaga 'yong galit ko sa kaniya? Bakit parang pakiramdam ko talaga ay puro awa ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya lalo na kapag tititig siya sa mga mata ko? Wala na 'yong galit na galit niyang mga mata tuwing tititig siya sa 'kin. Iyong boses niyang dati ay isang bangungot sa 'kin kapag naririnig ko, ngayon parang biglang nag iba. Lahat parang biglang nag iba. "Kara..." Tawag nito sa 'kin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala siya tapos sa ginagawa niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya. "I said if your okay?" Tanong nitong muli pagkuwa'y nag lakad papalapit sa puwesto ko. Nag iwas ako ng tingin sa kaniya. "Hey! Come here may ipapakita ako sa 'yo." aniya. Para akong bano na sunod-sunoran sa kaniya ngayon. Samantalang isinusumpa ko naman siya nang una palang. Hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila palabas ng kusina at pumasok sa sala. Ngayon ko lang napagtanto na malaki at maganda pala ang hawla niya. Malinis. Kompleto sa gamit. Lalakeng-lalake ang pinaghalong kulay itim at gray na pintura. "Sit here, may kukunin lang ako sa kuwarto." anito at umalis sa harapan ko upang mag tungo sa kaniyang silid. Tahimik lamang akong umupo sa sofa. Inilibot ko ang aking paningin sa buong condo niya. Mayamaya naramdaman ko nalang ang pagupo niya sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya at nakita ko ang dala niya. Isa itong photo album. Nakakunot noo akong napatingin sa hawak niya. Humarap ito sa 'kin. "Hindi ko alam kung tama bang ipakita ko 'to sa 'yo ngayon, kasi ito 'yong pinaka ayaw mo sa lahat." Seryoso at malumanay na saad nito sa 'kin. Ano ba ang sinasabi niya? Walang ekspresyon na lumabas sa mukha ko. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Nasa lap niya ang photo album na 'yon. "Five years ago. Alam ko wala kang maalala Kara dahil sa aksedenteng nangyari sa 'yo noon..." Napakunot noo akong muli nang marinig ang sinabi niya. Aksedente? Ako? "A-ano pong aksedente?" Tanong ko sa kaniya. Curious ako sa naumpisahan niyang kwento. Kasi wala namang naikuwento si mama sa 'kin tungkol dito. Tungkol sa aksedente na sinasabi niya. Narinig ko pa ang malalim at mabigat niyang buntunghininga. "Five years ago, kasama kitang mag punta sa private island na pagmamayari ng pamilya ko. 2013 Jan. 25 is our wedding day..." Napatanga ako sa narinig ko mula sa kaniya. Mas lalong nangunot ang noo ko. Wedding day? Gusto ko sana mag salita pero hindi ko magawa. Gusto kong malaman ang lahat. Dahil wala talaga akong alam sa mga sinabi niya ngayon. Ang tungkol sa aksendete at kasal na sinasabi niya. "After our wedding, I decided na do'n sa Isla tayo mag honeymoon before we flew to the US for good. I know na noon pa man tutol ka na sa akin at sa kasal natin. Well, hindi kita masisisi kung napilitan ka lang dahil ikaw ang ginawang pambayad utang ng pamilya mo sa 'kin. I know you hated me that much ever since. Lalo pa no'ng malaman mong ikakasal ka sa 'kin. Kahit ilang beses kang nagmakaawa sa 'kin na huwag kong ituloy ang kasal, kasi may mahal kang iba...pero hindi kita pinagbigyan. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita Kara na hindi ko magagawang ipamigay sa iba ang babaeng mahal ko." Nakita ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha sa mata niya. Ito palang ata ang lalake na nakita kong umiyak sa harap ng babae. Sa harapan ko. "Lagi tayong nag aaway kasi lagi mong isinusumbat sa 'kin na kasalanan ko lahat. Nawala ang mahal mo dahil sa 'kin. Nawala lahat ng kalayaan mo dahil sa 'kin. Iyan ang lagi mong sinasabi sa 'kin noon pa man. Akala ko no'ng maikasal tayo ako na 'yong pinakamasayang lalake sa buong mundo. Dahil sa wakas nasa 'kin na ang mahal ko. Nasa 'kin na lahat ng gusto ko, pero mali pala ako Kara. Ayoko na masaktan ka, ayoko na nakikita kang umiiyak. Pero dahil sa 'kin nagkakaganiyan ka. Hanggang sa hindi ko na kinaya ang lahat ng pagaaway natin. I left you alone on that island. Kasi 'yon naman ang gusto mo, ang mapag-isa ka. Ni hindi mo ako kinakausap kahit titigan man lang. Ramdam ko ang pandidiri mo sa 'kin tuwing magkasama tayo. I went to US alone. Iniwan kita kasi inisip ko na 'yon ang gusto mo at 'yon ang mag papagaan ng loob mo. Isang taon Kara, tiniis ko ang isang taon na malayo sa 'yo pero hindi ko naman inisip na sa loob ng isang taong pagkakalayo ko sa 'yo ay mas mapapalayo ka pa sa 'kin ng tuluyan. Umuwi ako rito para kausapin ka ulit. Para humingi ulit ng chance sa 'yo na maging okay ang kasal natin. But there is no Kara on that island na iniwan ko noon. Tumakas ka...sakay ng barko pauwi ng cebu. Sa kasamaang palad nagkaroon ng aksedente ang barko. Isa ka sa mga nawalang pasahero noon. Ilang araw at linggo ang hinintay ko para lang makita ka ulit. One day I saw you in the hospital bed, walang malay. Pero masaya ako kasi finally nakita kita ulit. Sobrang akong nasaktan Kara, kasi dahil sa 'kin muntikan ka ng mawala. Hindi ko kakayanin kung tuluyan kang mawawala sa 'kin." kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya at sa boses niya habang nag kukuwento sa 'kin. Wala nga akong maalala sa lahat ng mga sinabi niya sa 'kin ngayon. "But I didn't expect na malalagay ka sa ganitong sitwasyon. You have this temporary amnesia. Ilang buwan ang hinintay ko para magising ka ulit, but I was disappointed na mas lalo kang natakot sa 'kin. Sobrang sakit para sa 'kin Kara. Sobrang sakit na kahit kailanman hindi mo ako matatanggap bilang asawa mo o bilang ako." aniya. "The night na dinala kita rito hindi 'yon ang balak ko. Hindi ko balak na saktan ka o gawin 'yong mga ginawa ko sa 'yo. Lalo pa nang makita ko sa 'yo kung gaano ka katakot sa 'kin no'n. Iyong pagmamakaawa mo sa 'kin na pakawalan na kita. I'm sorry! Hindi ko na kasi alam kong ano ang gagawin ko para kahit ngayon lang maging akin ka. Kahit ngayon lang Kara. Totoo na naglabas ako ng malaking pera para lang maging akin ka. P-pero kung...kung ayaw mo talaga sa 'kin, hindi na kita pipilitin. Gusto ko lang na malaman mo ang lahat Kara. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal at handa akong gawin lahat para sa 'yo. Kung ikasasaya mo ang pagkawala ko gagawin ko. I'm sorry again." patuloy na saad nito habang nag lalandas ang mga luha sa kaniyang pisngi. Hindi ko namalayan na pati rin pala ako umiiyak na habang naririnig ko ang mga sinasabi niya. Bakit nararamdaman ko ang sakit sa dibdib ko ngayon? Totoo nga kaya ang lahat ng ito? Baka nga, kasi kagaya nang sabi niya I have a temporary amnesia. Habang nakikita ko siyang umiiyak may kung anong kumikirot sa puso ko. Gano'n ba talaga lahat ang pinagdaanan namin noon? "Here...you can use this para malaman mong nagsasabi ako sa 'yo ng totoo." aniya at iniabot nito sa 'kin ang hawak niyang photo album. "Aalis ako. Okay lang sa 'kin kung pagbalik ko wala ka na. Binibigay ko na ang kalayaan mo Kara. Kahit masakit. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan 'yan." Tumayo ito saka tumalikod na sa 'kin at walang paalam na lumabas sa condo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD