... KAI’s POV …
KITANG-KITA ko ang unti-unting pagdilim ng guwapong mukha ni Juke Rivas nang sinabi ko ang pasya ko na ayokong tumahimik na lamang at tanggapin na lamang ang ibinibintang ng mga tao sa akin na ako ang kanyang kabet. At lalong ayoko ang dalawang milyon niya. Dagli kong na-realize na aanhin ko naman ang milyong pera kung buong buhay ko naman ay nasa kahihiyan ang aking pangalan. At saka ano na lang ngayon ang iniisip ng mga magulang ko? Nag-uumpisa na nga akong mag-aalala dahil for sure napanood na nila sa TV ang kinasasangkutan ko na issue.
Self-respect and dignity are important to my parents so I need to clear my name as soon as possible. Mas lalong ayokong makaladkad sa kahihiyan ang apelyido ng aking pamilya.
“Miss Suarez, pag---“ Aangal sana sa pasya ko si Neil.
“Leave us for a moment, Attorney.” Pero dahil pigil ni Juke Rivas sa abogado ay nilunok na lang nito ang mga salitang sasabihin niya dapat sa akin.
“Okay.” Bumuntong hininga si Neil at lumabas na nga ng kuwarto.
Iniiwas ko naman ang tingin ko kay Juke Rivas dahil baka mahipnotismo niya ako sa kaguwapuhan niya. Kung makatingin pa naman ay akala mo’y nang-aakit lagi. Ayokong madala at ayokong magbago ang isip ko. I will uphold my decision. Iyong dalawang milyon, kaya ko naman iyong pagtrabahuan. Hindi naman ako desperada much pa sa pera. Kaya ko iyong kitain kung gugustuhin ko.
“Do you really want trouble, Miss Suarez?” Narinig ko na paunang sabi ni Juke Rivas.
Napapikit ako kasi kahit boses niya ay nakakapag-palpitate ng puso. Daig ko pa lumaklak ng isang galong kape. Damn!
Gayunman ay mas tinatagan ko ang leeg ko na huwag siyang tingnan. Nag-focus ako sa prinsipyo ko na kahit kailan ay hindi ako magiging mistress, sinadya man o hindi, aksidente man o hindi. Never. No way in hell. Bahala siyang magsalita nang magsalita. I don't want to talk to him. Naisip ko rin kasi na baka tawanan lang ako ni Dhenna kung hindi ko lilinisin ang pangalan ko. Baka sabihin ng bruhang iyon na nagmamalinis pa ako noon tapos gagaya rin naman pala ako sa kanya na ginustong maging kabet.
“Ikaw na itong binabayaran para manahimik lang, ikaw pang matigas ang ulo? Who do you think you are?”
“Ikaw? Sino ka ba sa akala mo rin at sa tingin mo ay lahat ng bagay rito sa lupa ay nabibili ng pera mo?” Bigla ay nakalimutan ko ang aking vow of silence. Nakakababa siya ng pagkatao, eh.
“I am Juke Rivas at sobra akong busy na tao kaya gagawin ko ang lahat para mapigilan ang mga issue about sa akin dahil sayang lang sila sa oras.” Pero talagang sinagot niya. Humalukipkip pa siya na akala mo’y siya ang hari, hari ng impyerno. Ang yabang ng depungal.
“Kung gusto mo pagpyestahan ng media ang buhay mo, just make another issue. Iyong hindi ako damay,” sabi pa na akala mo’y kasalanan ko ang nangyaring aksidente.
Kung hindi lang masakit ang katawan ko at nararamdaman ko ang mga paa ko ay tumayo na ako at hinarap siya ng face to face. Kung maldito siya ay maldita rin ako.
“Excuse me lang, ah… Um… Sir Juke Rivas? Boss Juke Rivas? Or ano pa mang tawag sa’yo, eh, puwede huwag mong ibintang sa akin ang nangyari dahil wala akong alam sa aksidente. Hindi ko alam kung paano ako nalipat sa sasakyan mo, okay? Ang alam ko lang ay nagkabanggaan tayo tapos iyon nablangko na ako. Kita mo naman, oh.” Inginuso ko ang ‘di ko alam kung may silbi na mga paa ko or baldado na. “Kita mo naman, paa ang napinsala sa akin. Kaya kung iniisip mo na lumipat ako sa kotse mo ay paano ko nagawa aber? Hindi ka naman siguro tanga para isipin pa rin na baka gumapang ako?”
“Ikaw na ang nagsabi. Puwedeng gano’n nga ang nangyari,” nga lang ay tangang sabi nga niya. Mas lalong pinagdudahan pa yata ako ng loko.
“Seriously?” Napangsinghap ako sa hangin. Hindi na maipinta ang mukha ko sa magkahalong inis, pagkadismaya at hindi pagkapaniwala.
“Lahat ng gustong manira sa akin para bumagsak ang career ko ay gagawin ang lahat. Now, kung sino man ang master mind ng ginawa mong ito ay sabihin mo sa kanya na hindi niya ako mapapagbagsak. Hindi niya ako mapapabagsak sa simpleng issue na ito,” aniya na may babala pa kaysa ma-gets ang nais ko sanang isiksik sa utak niya.
“Naloko na!” naibulalas na lamang ng isipan ko. Literal na nalaglag ang panga ko. At parang nahanganin na ng masamang hangin dahil hindi ko na maitikom.
Mas naging masama pa ang titig sa akin ni Juke Rivas. His strong jawline moved with hate.
“Pero huwag kang mag-alala dahil may awa pa naman ako sa isang katulad mo. Kunin mo na lang ang pera at magpakalayo-layo ka na. Isipin mo na lang na suwerte ka dahil ako ang taong gustong kalabanin ng sino mang nagbayad sa’yo. Leason learned mo na lang sana ito na huwag basta-basta magpapabayad sa mga halang ang kaluluwa.”
Sa haba ng litanya ni Juke Rivas ay isang malakas na, “No!” lamang ang nasabi ko.
Natigilan siya.
Humihingal na ako sa galit. Kuyom ko na ang mga kamao ko. Gusto ko na talaga siyang sapakin. Ang kapal ng mukha na pag-isipan ako ng masama.
“Para sabihin ko sa’yo walang nag-utos sa akin! Walang nagbayad sa akin! Wala rin akong ginawa! Nagulat na nga lang ako nang napanood ko ang balita, eh!” tapos ay malakas na ang boses ko. Hindi na ako nakapagpigil. “Hindi mo ako kilala kaya huwag mo akong i-judge! Kung paano at bakit ako napadpad sa kotse mo after ng aksidenteng iyon ay hindi ko alam! Baka namaligno tayo! Napag-trip-an ng engkanto! Or ano pa man! Basta wala akong alam sa nangyari! I swear! Mamatay man ako!”
Sa haba rin ng pagsusungit ko sa kanya ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya. Titig na titig pa rin siya sa akin. Lumaban na lang din ako ng masamang titig. I am not afraid dahil totoong malinis naman ang aking konsensya.
“Sa tanda mong ‘yan naniniwala ka sa mga engkanto?” nga lang ay nakataas ang isang makapal na kilay niya na sabi.
Ay, Diyos ko! Natampal ko ang noo ko.
“Liblib na lugar iyon, malay mo!” rason ko na lang. Syempre hindi ako naniniwala pero hayaan ko na. “Teka nga lang!” Na-stress na talaga ako na napakamot sa ulo ko. Feeling ko tuloy ay nagsuputan sa ulo ko ang madaming kuto at lisa. “Hindi ba may dashcam naman ang kotse mo? Bakit hindi iyon ang tingnan niyo para malaman niyo ang nangyari?”
“They did, but unfortunately nasira rin,” tugon niya.
Kung ako malapit nang maluka, siya naman ay kampanteng-kampante pa rin talaga. Obviously sanay na talaga siya sa mga issue na ganito kaya malamang ay kaya na niyang i-handle ang kanyang sarili. Kunsabagay, ilang dekada na ba ito sa industriya? Sampu? Dalawampu? Eh, kung gano’n katagal ay malamang nga nasangkot na ito sa madaming problema kaya sanay na.
“So, ikaw talaga ang malas kung gano’n. Dinamay mo pa ako,” tuya ko sa kanya nang wala na akong masabi. Tapos ay nagtulog-tulogan na ako.
“Ayoko nang makipagtalo sa’yo. Kung gusto mong patulan ang issue at lalong guluhin pa ang sitwasyon, bahala ka. I’ve done my part,” sabi pa rin niya.
Tse!
Kahit nakapikit ako ay titiri-tirik ang mga mata ko. Nagmulat lang ako nang narinig kong nagbukas at nagsarado ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit nakalabas na si Juke Rivas ay dinilaan ko pa rin siya. Kapal ng mukha. Ako pa pala ang pinag-iisipan nang masama ng depungal. Kita na nga niyang halos pilay ako. Kung di naman talaga shunga.
Nanghinayang ako na hindi na-record ang pinag-usapan namin. Maisasaliwalat ko na sana sa buong bansa na shunga-shunga ang Juke Rivas na hinahangaan nila. Sayang lang ang mga effort ng mga fans niya.
Atubiling pumikit ulit ako nang bumakas ang pinto. Baka bumalik siya.
“Ma’am?” Pero hindi naman pala dahil boses babae na ang nagsalita.
Nagmulat ako ng mata at nginitian siya.
“Pinabibigay po sa inyo. Mga gamit niyo raw po,” sabi ng nurse pala na babae.
Natuwa ako nang nakita ko ang bag ko. “Salamat,” kako nang iniabot niya sa akin. Agad kong kinalkal. Hinanap ko ang phone ko pero wala. Tanging ang wallet, makeups at kung anu-anong abubot ko lang ang nakapa ko na laman ng bag ko.
“Miss, nasa’n ang phone ko?” mabilis kong tanong sa nurse. Busy na siya sa pag-check sa kung anu-ano.
“Ay, hindi ko po alam, Ma’am, dahil ibinigay lang sa akin ay iyang bag mo po,” aniya.
“Hangga’t nandito ka sa ospital ay bawal kang humawak ng phone,” entra ni Neil.
“At bakit?” Nag-init na naman ang ulo ko.
“Dahil hangga’t nandito ka ay hawak ka namin. Hindi ka muna puwedeng makipag-usap sa kahit na sino.”
“Nadisgrasya na nga ako ituturing niyo pa akong bilanggo?” protesta ko na naman. Lalong nadagdagan ang inis ko kay Juke Rivas. Syempre pakana niya ito dahil ang Juke na iyon ang boss ni Neil.
“Mas mainam na wala munang makaka-distract sa’yo habang naririto ka para makapag-isip-isip ka. Juke told me that his offer to you is still open. Pag-isipan mo raw maigi habang nagpapagaling ka.”
“Hindi na magbabago ang isip ko dahil oras na gumaling ako ay lilinisin ko ang pangalan ko sa mga tao. Hindi ako kabet,” nagngingit-ngit ang mga ngipin ko na paninindigan. Binalingan ko ang nurse. “Miss, kung napanood mo na ang news na ako raw ang kabet ni Juke Rivas, huwag kang maniniwala. Sinet-up lang nila ako. Hindi totoo iyon.” Umpisa ko na nga sa balak ko.
Ang problema ay ngumiti lang sa akin ang nurse. Saktong tapos na sa pagtse-check sa akin kaya umalis na.
“Hindi mangingialam sa issue ang mga iyan dahil kasama sa trabaho nila ang pagtatago ng mga sekreto ng mga pasyente nila. Isa pa ay nasabi ko na sa’yo, nabayaran na ang hospital na ito para itikom nila ang bibig nila,” sabi ni Neil.
Sumagitsit na talaga ang inis ko para kay Juke Rivas…….