JASEEM FRANCISCO

1030 Words
TULUYAN ng napabangon si Atasha—nagpasya na siyang bumaba para kumain. Nangako siya sa sarili niyang pupuntahan niya si Lola Cynthia ang lola ni Jaseem na naging malapit na sa kaniya. May sumilay na lungkot sa mukha niya. Hindi niya napigilang isipin kung bakit nagawa ni Jaseem na iwan ng ganoon-ganoon na lamang ang lola nitong mag-isa. Hindi man lang daw ito nagpaalam. Napapikit siya at nagpasya ng lumabas ng sarili niyang silid baka hinihintay na rin siya ng nanay at tatay niya sa baba. Hindi pa naman kumakain ang mga 'to kapag wala siya—nakasanayan na rin ng buo niyang pamilya ang sabay-sabay nilang pag kain kahit na labag man sa loob niya. "Good, Ate at bumaba ka na, sobrang gutom na kami," agad na bungad ni Andrew. Nang makita siya nitong pababa na. "Hindi ko naman dala ang kaldero," pagbabara niya dito. Lumipat si Atasha sa tatay at nanay niyang magkatabi sa harap ng hapag at nagmano siya rito. "Ayaw kumain ni nanay at tatay e... Mabuti pa sila loyal sa 'yo—" "Sigi ituloy mo!" Inis na kinuha ni Atasha ang tinidor sa tabi ng pinggan niya at kunwang galit itong tinutok kay Andrew. "Tama na 'yan! Tama na 'yan... kumain na tayo," untag ng tatay nilang dalawa. Padabog na umupo si Atasha. "Si Ate kasi, Tay..." "Andrew!" suway ng nanay nilang dalawa. Pinandilatan niya ang bunsong kapatid—tatawa-tawa na itong nanahimik. Wala rin naman silang magagawang dalawa kapag mga magulang na nila ang kapwa nagsalita. Piinaglipat-lipat ni Atasha ang mga mata niya sa pagkain na nakalatag sa mesa; itlog kamatis, sunny side up at piniritong tinapa na may mainit na kainin tipikal na nila itong almusal mula n'ong mga bata pa sila ni Andrew. Hindi niya napigilang isipin si Jaseem, sa ilang taon na namalagi ito sa Bacolod naging paborito na rin nito ang pagkaing gusto nyang hinahanda ng kaniyang nanay. "Kain ka na, Atasha..." narinig ni Atasha na alok ng tatay niya. Napabuntong-hininga siya ng lihim, sa sarili hiniling niya na sana kahit sandali makalimutan niya si Jaseem. Lagi na lang siya nitong binabagabag, baka nga ito walang pakialam sa kaniya e. Sigurado siya ngayon masaya na ito sa kung ano man ang buhay nito sa Manila—nakaramdam na naman siya ng inis dahil sa lalaki. TAPOS ng kumain si Atasha. Mag-isa na lang siyang nasa hapag nila, nagpaalam na sa kaniya ang nanay at tatay niyang aalis na raw ang mga ito para pumunta sa palengke. Malaki ang pwesto nila d'on, iyon ang pangunahing negosyo ng pamilya nila. D'on sa palengke na 'yon—doon niya nakilala si Jaseem. Malapit si Atasha sa Lola Cynthia nito kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit din dito. Ang akala nga niya noon wala ng pag-asa na maging magkaibigan sila, hanggang sa nagulat na lang siya isang araw na nagtapat na ng pag-ibig sa kaniya ang binata. Dala ng sulsol ng abwela nito at ng mga kaibigan niya sinagot nya si Jaseem na walang alinlangan. Ang hindi niya inaasahan ang biglaan siya nitong iwan. Pero tatlong taon din naman ang relasyon nilang dalawa, kung tutuusin matagal din. Masaya naman sila—ang hirap lang tanggapin dahil para sa kaniya si Jaseem na ang ending niya. Napabuntong-hininga si Atasha. Ilang linggo na rin ang nakalipas, pero pakiramdam niya tila kahapon lang ang lahat. Maayos naman talaga kung nagpaalam ito sa kaniya, at least alam niya kung saan sana siya lulugar. Pero hindi! Umalis ito ng wala man lang pasabi at nawala na parang bula kung saan hulog na hulog na ang damdamin niya rito. Pigil ang mga luhang napatingin siya sa wallpaper ng cellphone niya—larawan nila ni Jaseem 'yon kuha n'ong nag-celebrate sila ng tatlong taon anibersaryo. Sa isang sikat na batis 'yon sa Bacolod. Ang lugar na muntik na itong matuklaw ng ahas at buti na lang nandoon siya. Matapang niyang pinatay ang ahas na 'yon at doon niya nalaman na may phobia ito. Napabuntong-hininga si Atasha, for her ang sarap lang isipin ng mga sandaling magkasama sila ni Jaseem. Hindi lang talaga siguro siya handa na mawala ito ng ganoon kaaga sa kaniya. Nangako kasi ito na hindi siya iiwan kailanman—mga pangakong hinawakan niya sa kaniyang sarili. All of sudden sinira lang ni Jaseem ang lahat ng 'yon at hindi niya alam kung muli pa bang mabubuo 'yon. Nasaktan na siya, ang kailangan niyang gawin na lang ngayon ay kung paano umahon sa kumunoy na gawa ng nobyong buong buhay minahal niya. Pinahid ni Atasha ang luhang kumuwala mula sa mga mata niya—kung may pangako man siya ngayon sa sarili niya 'yon ang hindi na hahayaan pang umiyak na ang lalaki ang dahilan. --- HANDA na si Jaseem, hinihintay niya na lang ang tawag sa kaniya ni Aleck. Ipagpapaalam daw siya nito sa mommy niyang ka-sosyo ng mommy nito sa iisang kompanya. Wala pa rin ito sa bahay nila, kaya alam niyang magagawan ng paraan ni Aleck ang lahat. "Ang tagal mo naman tumawag, pre," sambit niya sa sarili. Nag-usap na sila kanina nito na ito na ang bahalang kumausap sa Mommy Jai niya, hindi niya man alam kung ano ang idadahilan nito. Ilang sandali pa nakatanggap na siya ng text mula kay Aleck—maghanda na raw siya at areglado na ang lahat. Nagpaalam na ito sa mommy niya at susunduin na lang siya. Labis ang tuwang nararamdaman ni Jaseem sa sarili, pagkatapos ng mahabang panahon na namalagi siya sa Bacolod ngayon niya lang ulit naramdaman 'yon sa puso niya. Finally, makakawala na siya sa mundong ginawa ni Atasha para sa kaniya—mundong akala ng dalaga hahayaan niya. Nagkakamali 'to dahil sa tatlong taon na nagkaroon sila ng relasyon ginamit niya lang ito para makawala siya sa lugar na 'yon at maibalik ang tiwala ng mommy nya sa kaniya. Ngayon—nakabalik na ulit siya ng Manila. Isa na lang ang pangako niya sa kanyang sarili na hindi na hahayaan pang makalapit ulit si Atasha sa buhay niya. Dahil kung inaakala nito na minahal niya ito ng labis, nagkakamali lang ito ginamit niya lang ang dalaga at 'yon sa sarili niya ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD