RHIAN Paglabas ko ng gate, `agad kong hinanap si Ehran. Maghapon ko kasi siyang hindi nakikita, eh. At hindi ako sanay. O mas tamang sabihing namimiss ko siya. Halos araw-araw kasi siyang pumupunta ng campus. Daig pa nga niya ang ibang estudyante. Ang sipag niyang pumasok. Ultimo sa classroom ko, sinasamahan pa rin ako ni Ehran. Halos ayaw na niyang mawala sa tabi. Lagi na rin kaming tambay sa park. Kasa-kasama ko rin siya sa simbahan kahit madalas, hindi namin napapatapos ang mass dahil lumala ang "discomfort" na naramdaman ko noon `pag nasa loob ako ng church. At kapag gan'on, si Ehran na lang ang nagkukuwento sa'kin ng totoong salita ng Diyos. Nagsisilbi ko siyang 'pari'. How cute, right? At halos araw-araw, nagkikita kami sa MRT station. Doon kasi ang meeting pl