ISANG umagang madilim ang kalangitan ang bumungad sa mga naninirahan sa lungsod ng Calapan. Kakaiba ito, dahil wala namang ibinalita sa telebisyon kagabi na magkakaroon ng ganito, dahil base rin sa balita ng Pag-asa kaninang alas-singko ng umaga ay magiging mainit daw ang maghapon daraan. Mula nga sa palengke ng lungsod ay makikitang nagsisimula nang magbukas ng mga tindahan ang mga naroon na naglakas ng loob na manatiling magnegosyo sa kabila ng mga pwedeng mangyari. Nagkalat din sa bawat kalye ang mga pulis at sundalo na handang rumesponde sa sandaling may hindi magandang kaganapan sa araw na ito. Ang kakaiba nga lang talaga ng umagang iyon ay ang makapal na ulap sa kalangitan na tila ba kapag umulan ay napakaraming dalang tubig. “Hindi kaya, kagaya iyan ng nangyari kahapon sa Batangas