HINDI sinabi ng mga Elders kay Lior ang nangyari kay Landro nang dalhin ito sa kanila ng mga Elites. Ayaw kasi nilang mas lalong magalit ang kanilang panginoon dahil baka may kung anong hindi magandang mangyari sa kanilang dimensyon. Ngayon nga na ikalawang araw na mula nang magkulong si Lior sa pribado niyang silid ay nanatili pa ring madilim ang buong kalangitan sa kanila. Ni hindi nga nila alam kung ayos na ba ito, o may kailangan pa ba ito mula sa kanila. Napakuyom na nga lang ng kamao ang walong Elders habang pinagmamasdan si Landro na kasalukuyang ginagamot ng kanilang mga doktor. Hindi rin naman kasi ito basta mapagaling ng mga kalahi nilang may kakayahang magpagaling ng mga sugat dahil sa malubha ang naging tama nito sa mukha. “Hindi ko gusto ang ginawa niya kay Landro, kailangan