Habang nakaupo ako sa damuhan at ang mga kasama ko naman ay nagtatawanan at nagbabatuhan ng mga kung anong bagay kami naman ni Cassania nakatingin sa laptop ko dahil nga sa nagsusulat ako. Nandito lang naman kami sa dulo ng kagubatan kung saan bangin nasa ibaba, sinabi sa akin ni Cassania na maganda daw dito kaya dinala kami ni Zen dito at dahil nga sa mga bampira sila at ang bilis nila kung gumalaw binuhat nalang ako ni Zen kagaya ng pabuhat niya sa akin ng nawalan ako ng malay. Masaya naman silang kasama at hindi nga mawawala ang ngiti ko sa aking mga labi habang sila ang aking kasama. Hindi kuna din nakausap ang mga kaibigan ko dito sa mundo namin kasi ang sabi nila sa akin sa last message nila magbabakasyon daw sila at wala naman ako dito kaya iniwan nila ako at ayos lang naman ito sa