Hindi naman siguro ako matiis ni Zen kaya malalim siyang napabuntong hininga at mabilis akung nilingon pero basang-basa ko naman sa kanyang mukha ang pag-alala sa akin at tinignan ko siya na hindi ako nagbibiro sa aking sinabi. Mukhang nagulat din ang kanyang ibang kasama pero bigla ko nalang nakita ang kislap sa mga mata ni Maverick habang si Cassania naman ay hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Totoo naman kasi nakakaawa siya kahit sabihin pa natin na munti na niya akung patayin pero kahit paano naiintindihan ko naman siya kasi paghihiganti ang nasa kanyang utak at talagang ang pagpatay sa akin ang unang papasok sa kanyang utak. “May gana kapa talaga sa kanila maawa matapos ng ginawa nila sayo? Sabihin mo sa aking kung desrve ko ba silang kaawaan kasi matapos ng ginawa nila sa