Episode 7: My Boss

1246 Words
Tahimik lang kami habang nagmamaneho si Sir. Babalik na kami sa building at magpapahinga muna siya at gagawin ko na lahat ng gawain ko sa loob ng opisina para makabisita ako ni Mama. Agad kong tinapos ang lahat ng gawain ko habang nagpapahinga si sir sa loob ng kwarto niya. Pagkatapos ko, pumasok ako sa kwarto niya and I saw him sleeping on his bed kaya sumulat na lang ako ng note para sa kanya. I went outside at pumara ako ng jeep para makapunta sa amin. Nang makarating na ako sa amin, napangiti naman ako nang makita ko si Mama na nagwawalis sa labas. “Ma,” Masaya na tawag ko at agad siyang napatingin sa akin at niyakap ako. “Anak, buti naman nakauwi kana. Miss na kita.” Sabi ni Mama and I smiled. ‘Ako rin, ma.” Sabi ko at pumasok kami sa loob. I saw Diamond na nanonood ng TV. Hays, hindi man lang tinulungan si Mama, grabe talaga ang kapatid kong ito, nakakainis rin talaga eh. Napatingin si Diamond sa akin. “Oh, nakauwi ka pala.” Sabi niya. “Binilhan kaba niya ng gamot ma?” Tanong ko kay Mama at tumango si Mama. “Oo, huwag kang mag alala anak.” Sabi niya. Umupo kami ni Mama at nag usap. Kinamusta niya ako sa trabaho ko at kinamusta ko rin ang kalagayan niya. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa boss ko na si Atlas. I told her na mabait ang boss ko. “Ella, dalhin mo naman ko doon, minsan.” Sabi ni Diamond. Hay naku, eto na naman tayo. “Please, Ella.” Pagmamakaawa niya and I sigh. “Ipakilala mo ako sa boss mo,” Sabi niya sa akin. “Hay naku itong bata,” Sabi ni Mama. “Sige na please! Magugustuhan ako ng boss mo, ang ganda ko kaya!” Sabi ni Diamond. Oo magugustuhan talaga ni Sir Atlas si Diamond, magugustuhan na pag tripan kasi hindi naman naging seryoso si Sir sa mga babae. “Sinabi ko na sayo Dia na pag tri-tripan ka lang ng boss ko.” Sabi ko sa kanya. “Okay lang sa akin, please!” Pagmamakaawa niya at napatingin ako kay Mama. “Anak, baka masante ang kapatid mo,” Sabi ni Mama. “Ewan ko sa inyo, gusto ko lang naman makilala at makita ang pinagtatrabahuan ni Ella,” Sabi niya at pumasok sa kwarto. “Huwag mo ng intindihin iyon.” Sabi ni Mama at tumango naman ako. After naming mag usap, bumalik na ulit ako sa building dahil malapit na mag gabi kaya kailangan ko ng ipagluto si Sir. Nang makarating ako doon, nakahiga si Sir habang nakatingin sa cellphone niya. “Good evening, Sir.” Bati ko sa kanya and he nodded his head. Pumunta na ako sa kusina at nagluto. Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa. “Sir, mauna napo kayong kumain, malliligo po muna ako.” Sabi ko sa kanya kasi sobrang kati ng katawan ko ngayon. “Okay,” Sabi ni Sir at pumunta na ako sa kwarto ko at kumuha ng tuwalya. I went to the bathroom at naligo. I was humming in the water happily. Sana ganito na lang palagi ang buhay, maayos ang sweldo at nabibigay ko ang pangangailangan nila Mama. Nang matapos na akong maligo, I wrapped my body sa tuwalya and I stopped nang ma realize ko na nakalimutan kong magdala ng damit. s**t! s**t! Ang tanga ko! Paano na ito? Nakakainis? Hindi ako pwede lumabas dahil nandoon si Sir sa labas! Tapos na kaya siyang kumain? Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip ako sa labas. Wala si Sir sa labas kaya dahan dahan akong lumabas at agad na pumunta sa kwarto ko. I screamed nang makita ko si Sir Atlas sa kwarto ko. “Ahhhhhh!” I yelled and he jumped in shock. “Hinanap ko lang ito,” Sabi niya at pinakita ang papeles na kinuha ko kanina sa opisina. He glance at my body at mas hinigpitan ko ang hawak ng tuwalya ko sa katawan ko. Bumilis ang kabog ng aking puso at uminit ang aking pisngi dahil sa sitwasyon namin ngayon. No one ever saw me like this, si Tristan pa, ang ex ko. “P-Pwede ka na bang lumabas?” Kinakabahan na tanong ko and he nodded his head at agad na lumabas. I sigh in relief at nagbihis. Pota bakit pa kasi hindi siya nakapag hintay sa akin? Hinintay niya na lang sana ako. Huwag kang o.a Nutella, hindi ka naman naka hubad kaya okay lang iyan. I sigh at nagbihis at pumunta na ako sa labas para makakain na at mahugasan ko na ang mga plato. I saw him typing in his laptop at kumain na ako at pagkatapos, naghugas na ako ng pinggan. **** “Nagawa mo na lahat?” Tanong ni Sir Atlas. Sobrang busy namin ngayon, I am having a hard time dahil sa sobrang dami ng ginagawa namin. Si Sir naman ay madali lang napipikon ngayon dahil sa sitwasyon namin. “Hindi pa, Sir. Malapit na po.” Sabi ko sa kanya and he sigh angrily. “Dalian mo naman,” Galit na sabi niya at napayuko naman ako at nagpatuloy sa pag type sa laptop ko. Dinalian ko ang pag acess ng file at nang matapos ako, agad ko itong sinend kay Sir. “Na send ko na po sayo ang file, Sir.” Sabi ko sa kanya and he went back on his work. Napa buntong hininga naman ako. Ayoko ng ganitong ugali niya. Alam ko na napapagod lang siya dahil sa stress pero hindi niya naman ako kailangan pagsalitaan ng ganun. Siguro dahil nasanay ako sa magandang ugali niya kaya ko nararamdaman ito. Hindi ako sana sa napipikot niyang ugali. Nang matapos na kami sa lahat ng gawain naman, napahilot si Sir sa noo niya. “Make me some coffee,” Sabi niya and I nodded my head at gumawa ng kape. Binigay ko ang kape sa kanya and he sipped on the cup. “We’re done.” Sabi niya and he closed his laptop at napatingin sa akin. “Let’s go,” Sabi niya at tinignan ang oras sa relo niya. “Saan tayo pupunta, Sir?” Tanong ko sa kanya dahil malapit na ang gabi. “We’re going to have a dinner, gutom na ako.” Sabi niya. Talaga ba? Sumunod na lang ako sa kanya and we went to his car at pumasok kami sa loob. Nag drive na siya at pumunta kami sa isang magarang restaurant. “Ahh Sir, ikaw na lang po, dito na lang ako sa kotse.” Sabi ko sa kanya. “Why?” Tanong niya. “Mukhang mahal po eh, hindi ko afford.” Sabi ko sa kanya and he shook his head. “Libre ko,” Sabi niya at napangiti naman ako. “Talaga po?” Tanong ko sa kanya and he nodded his head. Wow, sanaol, nakalibre! Hindi ko naman kasi afford ang ganito kagarang restaurant at nakakapunta lang ako sa mga ganito kapag may meeting si Sir Atlas sa ibang businessman. “Yes,” Sabi nito “By they way, I’m sorry kanina.” Sabi niya at napangiti naman ako. Himala naman kasi na nag sorry si Sir. Natatandaan niya pala ang pagkapikon niya kanina. Sana ganito na lang palagi. Ang alin ba? Ang libre ni Sir o ang mabait niyang ugali?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD