------- ***Myla's POV*** - Sabi ni Erickson sa akin susunduin nya ako kaya kahit tapos na ang visitation ko kay maam Alissa, nanatili muna ako sa waiting area ng rehabilitation center kung saan naka- confine si maam Alissa. Nag- message naman si Erickson sa akin na papunta na sya at hihintayin ko lang daw s'ya. Habang naghihintay ako kay Erickson, nakita ako ni maam Cynthia, at hindi na ako nakatanggi dito nang inimbita ako nito na pumunta sa isang coffee shop na malapit lang sa rehabilitation center, kaya nag- message ako agad kay Erickson na dito na ako sunduin. "Kumusta ka na Myla? Hindi ka ba nahihirapan kay Alissa?" nakangiti nyang tanong sa akin. "Hindi naman po." Aminado ako na naiilang ako sa kanya. "Sa totoo lang ija, nung sinabi sa akin ni Jayson na may nahanap syang