--------- ***Third Person’s POV*** Halos ibato na ni Erickson ang cellphone pagkatapos nyang tawagan si Myla. Banas na banas sya at hindi s’ya mapakali sa isipin na magkasama sina Myla at ang Christian na yon. “Erickson, come here. Ano pa ba ang ginagawa mo dyan? Hinihintay na ako ni daddy.” Si Alodia, nasa loob ito ng kotse. Lumabas lang sya sandali sa kotse para tawagan si Myla. Sinabi lang n’ya sa kasintahan na lalanghap lang muna sya ng hangin. At sa inis n’ya ngayon, talagang kailangan nya ng maraming hangin. Humakbang na sya palapit sa kotse, baka makahalata na ito. Binuksan n’ya ang pinto at pumasok s’ya sa loob pero--- “Bakit nasa sayo yan?” laking matang tanong nya kay Alodia. Hawak nito ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang singsing na binili nya. “Oh, I’m sorry, hind