--------- ***Third Person’s POV*** - “What happen ijo, bakit mo dinala dito sa hospital si Alodia?” tanong sa kanya ni Dr. Gallego. Tinawagan n’ya ito pagkatapos n’yang dalhin ang anak nito sa hospital, nagwawala kasi ito kanina. “Nagwawala sya kanina hanggang sa nanghihina s’ya. Dinala ko s’ya dito sa hospital dahil para s’yang kinakapos ng hininga n’ya. I’m sorry about your daughter, pero kailangan ko nang umalis.” Paalam nya agad dito. “Hindi naman siguro kayo nag- away dahil sa nangyari kagabi ijo? Pasenya ka na, kasalanan ko talaga ang nangyari kagabi. Alam kong hindi pa nyo pinag- uusapan ng anak ko ang tungkol sa kasal nyong dalawa pero doon din naman kayo patungo. Sana hindi ikinasama ng loob mo ang ginawa ko kagabi sa party.” Hinging paumanhin nito. Nakikita naman nya sa mga