------- ***Third Person’s POV*** - Bago pa tuluyang makalapit si Erickson kina Myla at Gabriel, may naglakas loob na humarang sa kanya. At hindi inaasahan tao ang humarang sa kanya na isa pang bweset sa buhay n’ya. “Wag mong gawin ang iniisip mo. Party ito para sa mga doctor, hindi sa mga katulad mong mga pulis na sanay sa gulo.” Ani ni Christian sa kanya. Hindi nya nagustuhan ang tabas ng dila nito. Anong akala nito sa kanya? Manggugulo? Hindi ba pwedeng lumapit kina Myla at Gabriel, at kausapin lang ng maayos ang mga ito. “Nagseselos din ako tulad mo, bro. Pero kaya ko naman ilagay sa tama ang pagseselos ko. Hindi katulad mo, na kulang na lang magwawala ka sa sobrang pagseselos.” “Wag kang mangialam dito.” Pagalit nyang sabi dito. “At wag mong sabihin sa akin na hanggang ngayon