---------- Note: Ang chapter na ito ay tungkol kay Alodia. Mahalagang chapter pero nasa sa inyo na rin kung bubuksan nyo. - ***Third Person’s POV*** - Tila nahihirapan na si Alodia sa ginawa n’ya kaya binitwan n'ya ito. Napaubo ito dahil sa ginawa n’ya. Nang nakabawi ito ng lakas, nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa kanya, at isang sampal ang ginawa nito sa kanya. “How dare you Erickson! Ano bang problema mo?” galit nitong sabi, nanlilisik ang namamasang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Aminin mo na nagbayad ka ng tao para patayin si Myla dahil sa galit ka dito. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Myla, Alodia.” Si Alodia lang ang naisip nyang pwedeng gumawa nito kay Myla. Dahil ito lang ang alam n'yang may matinding galit kay Myla. “Ano?” napanganga ito na para